Tuesday , December 6 2022

P1-B pondo, kontrata sa basura ng Laguna sinalamangka ni ER?

UMABOT sa isang bilyong pisong pondo ng lalawigan ng Laguna ang hindi

maipaliwanag kung saan ginasta ng administrasyon ng dating gobernador

na si ER Ejercito.

Sabi nga ng bagong upong gobernador na si Ramil Hernandez, walang

masamang mangutang, pero dapat ilagay sa maganda ang pera.

Ngayong si Hernandez na ang timon sa Laguna ay dapat niyang

paimbestigahan ang mga transaksiyon na pinasok ng ER administration,

lalo na ang kontrata sa basura dahil napabalitang ito ang “milking

cow” o gatasan ng angkan ng mga Estrada.

Sino ba ang masuwerteng contractor ng basura sa Laguna sa panahon ni

ER?

Kailangan din ipabusisi ni Hernandez kung ang mga nakatalang

proyektong pinondohan ay talagang naipatupad para malaman kung ang mga

ito ba’y “ghost project.”

Alam naman ni Hernadez na responsibilidad niya sa mga taga-Laguna na

tiyakin kung ginastos at gagastusin nang wasto ang budget ng

lalawigan, at mukhang may “balls” naman siyang gawin ito kahit sino pa

ang tamaan.

Kung si ER ay pinsan ni Sen. Jinggoy na sangkot sa pork barrel scam at

pamangkin siya ng convicted plunderer na si Erap, hindi nakapagtataka

kung may ‘dugong mandarambong’ din na nananalaytay sa kanyang katawan.

PATI ANG DEPENSA

NI JINGGOY, BASURA

PARA kay Jinggoy, malaking kasalanan ng estado na papanagutin siya sa

pork barrel scam, batay sa katuwiran na may iba rin naman tulad nila

nina Sens, Juan Ponce – Enrile at Bong Revilla nanggahasa sa kaban ng

bayan.

“If they would jail us, they should also be jailed. It should not be

always just the three of us,” sabi ni Jinggoy tungkol sa pagdawit ni

Janet Lim-Napoles kay Budget Secretary Butch Abad at iba pang opisyal

ng administrasyong Aquino.

Kailan pa siya nagkaroon ng kapangyarihan na diktahan ang gobyerno

kung ano ang dapat gawin, at kung may hawak siyang mga ebidensiya,

bakit hindi siya ang maghabla sa mga tinutukoy niyang opisyal ng

pamahalaan?

Hindi ba kataka-taka na mula nang mabulgar ang P10-B pork barrel scam,

ni isang beses ay hindi kinondena ni Jinggoy si Napoles bilang

mastermind sa anomalya, at ngayon ay gusto pa niyang gawing bida na

lahat ng sabihin ay ituring na katotohanan ng gobyerno at publiko?

Nakalilimutan na ni Jinggoy na bilang senador ay tungkulin niyang

tiyakin na ang ipinagkatiwala sa kanyang P200-M Priority Development

Assistance Fund (PDAF) kada taon ay gastusin sa totoo at wastong

proyekto.

May mga dokumentong mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na

nagpapatunay na si Jinggoy mismo ang nagrekomenda na ilagak ang

kanyang PDAF sa mga proyekto na ipatutupad ng mga pekeng non-

government organizations (NGOs) ni Napoles.

Ibig sabihin, bago niya ginawa ito’y nag-usap at nagkasundo na sila ni

Napoles.

Bakit lumago ng 133% ang yaman ni Jinggoy mula 2007-2012 o sa panahong

senador na siya at magkaibigan na sila ni Napoles?

Ito ang mga dahilan kaya siya kinasuhan ng plunder o pandarambong at

dapat ipaliwanag ni Jinggoy ang kanyang panig sa paglilitis sa

Sandiganbayan at hindi sa mga bayaran niyang media.

Kelan pa naging depensa sa hukuman ang magturo ng ibang may kasalanan

o kaya’y ang pagsasabing pinopolitika lang siya ng administrasyon?

RALLY BA O DESTAB?

NAGDEDELIRYO na ang mga akusado sa P10-B pork barrel scam sa nalalapit

na pagbalik sa bansa ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales mula sa US

study tour at sa nakatakdang pagsasampa ng kasong plunder sa

Sandiganbayan laban kina Jinggoy, Enrile, Revilla, Estrada, Napoles at

Gigi-Reyes.

Kaya naman puspusan na rin ang kanilang kampanya na ilarga ang

destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino para maunsyami ang

pag-aresto sa kanila at matuon ang atensiyon ng publiko sa mga

anomalya ng ibang opisyal ng gobyerno na anila’y hindi inaaksiyonan.

Kung kakagatin ng publiko ang propaganda ng grupong ito at lalambot

ang administrasyon, walang mapaparusahan kahit isa sa mga nagnakaw sa

kaban ng bayan, sa hinaba-haba ng pakikibaka ng sambayanan laban sa

katiwalian.

Sa rami kasi ng salaping nasandok ng tatlong senador ay may kakayahan

silang pondohan ang mga ganitong pagkilos kontra sa pamahalaan para

mawala ang focus at atensiyon ng publiko sa mga nagawa nilang

kasalanan sa bayan.

Kaya bago lumahok sa mga rally, isip-isip din muna pag may time at

gamitin and sentido-kumon upang hindi mauto na pagsisihan naman sa

bandang huli!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa

09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address:

[email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Leave a Reply