Monday , December 23 2024

Structurally defective ba ang Solaire Resort and Casino!? (Paging: Parañaque Engineering Office)

00 Bulabugin JSY
KAMAKALAWA sa kasagsagan ng bagyong Glenda, inasahan na natin na maraming masasalanta gayon pa man ay patuloy tayong humiling sa Itaas na sana ay huwag naman maulit ang gaya sa pagdaluyong ni Yolanda na maraming buhay ang kinuha.

Pero ang hindi natin inaasahan ‘e ‘yung magkaroon ng aberya sa isang international 5-star hotel and casino gaya ng Solaire Casino ni Enrique Razon na naririyan sa Parañaque City.

Heto po ang sumbong sa atin…

‘Yun nga, kamakalawa bandang 8:00 ng umaga, nagulat ‘yung mga customer/player na kumakain sa  Fresh buffet restaurant sa loob ng Solaire Resort and Casino nang biglang may bumagsak na malakas sa bubungan.

Talagang napakalakas na akala ng mga customer/player ay mayroong sumabog na bomba kaya nga nag-panic ang iba.

Kasunod ng pagbagsak ay umuga nang malakas ang baldosa at ang paligid saka bumaha.

Dahil  sa paghugos ng tubig, agad pinatigil ang operasyon ng mga silat ‘este’ slot machine.

Kasunod nito, halos limang oras na walang koryente sa nasabing resort casino. Hindi gumana ang kanilang generator set!

May na-trap pa sa loob ng elevator. Kaya hingal-kalabaw ang mga naka-check-in sa hotel na sa hagdan dumaan paakyat sa kanilang kuwarto.

What the fact?!

International resort casino, palpak ang generator-set?!

Ano na ba ang nangyayari sa negosyo mo Mr. Enrique Lason ‘este’ Razon?!

Hindi pa d’yan natapos ang disgrasya sa mga parokyano.

Mayroon din iniulat na sa isang hotel room ay bumagsak ang kisame buti na lang at hindi nadale ang mga occupant!?

Mukhang dapat inspeksiyonin ng Parañaque City Engineering Office ang ipinagmamalaki ni business tycoon Enrique Razon na international 5-star resort and casino — ang Solaire.

Matagal na nga natin naririnig na kapag bumubuhos umano ang malakas na ulan ‘e binabaha ang loob ng Solaire Casino.

Aba nakakatakot pala d’yan!?

‘E hindi ba reclamation area ang lugar na ‘yan? Tinabunan lang ng lupa ang dagat na pinagtayuan ng Solaire?

Baka habang namamasyal-masyal, nagsusugal o natutulog ang mga customer/player ‘e biglang lumubog ang buong Solaire Resort and Casino!?

Malaking sakuna ‘yan at talagang maitatala ‘yan sa kasaysayan ng tourism industry — at baka maging tatak na naman na ONLI IN DA PILIPINS.

Pwede rin naman, “It’s more fun in the Philippines …”

Baka alatin pa d’yan si Dacer-Corbito murder/kidnapping suspect at Solaire Security director Michael Rey Aquino na ilang beses nakalusot sa batas ng Amerika pero d’yan lang pala lulubog sa Solaire Resort and Casino?!

Again, tinatawagan po natin ang Parañaque City Engineering Office … INSPEKSIYONIN ninyo ang Solaire Resort and Casino alang-alang sa kaligtasan ng mga customer/player na nag-aakyat ng malaking kwarta sa business tycoon na si Razon!

FREEDOM OF INFORMATION (FOI) BILL

LETRANG “L” na lang daw ang kulang sa Freedom Of Information (FOI) Bill at isa na itong foil(ed) bill against the Filipino people.

Nangako (OPM) na naman si Pangulong  Benigno Aquino III na bago matapos ang kanyang termino (2016) ay ipapasa na ang FOI Bill.

Deja vu?

Napanood na natin ito … ganito na  ang nangyari sa ilalim ng House chairmanship ni Rep. Ben Evardone ng Samar.

Si Evardone na isang dating mamamahayag pero nagkapwesto at nagkamal ng kwarta sa gobyerno noong panahon ni GMA ay isa sa mga dahilan kung bakit nabinbin nang nabinbin ang ganap na pagsasabatas ng FOI.

‘Yan pong FOI Bill ang  kongkretong larawan ng ‘TRANSPARENCY’ sa ating pamahalaan.

Kung ganap na maisasabatas ang FOI magkakaroon po nang ganap na kalayaan ang bawat mamamayan na magkaroon ng access sa mga impormasyon o nangyayari sa pamahalaan.

Malaking tulong din po ito sa mga mamamahayag sa pagtupad ng tungkulin.

At sa pamamagitan din ng FOI hindi na ganoon kadali ang pagsasampa ng kasong libel laban sa mga mamamahayag.

Pero lahat po ‘yan ay naunsyami sa ilalim ng chairmanship ni Evardone.

Ginamit lang na battle-cry noon ng Liberal Party sa kanilang kampanya na kung si Noynoy ang mananalong Panggulo ‘este’ Pangulo ay ipapasa agad ang FOI bill.

Pero ang ang nangyari makalipas ang apat na taon … nganga!

Ang nakanenerbiyos dito sa pangako na naman ni Noynoy, mukhang gagamitin lang deodorant o pabango para sa 2016.

Mamadaliin pero tiyak, bungi-bungi ang kalalabasan  at tiyak na magiging butas-butas na naman.

At siyempre ang tatamaan ng batas na ito ay ang susunod na administrasyon!

Iba na ang wa-is!

PRITIL MARKET VENDORS DESMAYADO SA BULOK NA TARA Y TANGGA SYSTEM!?

DESMAYADO na ang stall owners at vendors sa loob at labas at maging sa mga bangketa ng Pritil Market dahil sa sandamakmak na TANGGA at TONGPATS na iniaatang sa kanila para umano sa mga nagpapayamang opisyal ng palengke!?

Base sa reklamo ng vendors, iba’t ibang klaseng pakulo ang kinokolek-TONG sa kanila ng pamunuan ng palengke.

Isang alias PERCY na nagpapakilalang CSF na bata-batuta raw ng market master ang taga-kolekta sa kanila.

FYI YORME ERAP, kaya raw makapal ang mukha nitong si alias PERCY ay dahil rekta siya sa mga kolektong ng isang alias SAM-G na sina alias ALEX HIPO-LITO at BAROK.

Sila ang direktang bagsakan ng TARA sa lahat ng palengke gaya ng Divisoria vendors at sa mga TSINOY sa Binondo.

Araw-araw ay P30 kada vendor sa paligid ng palengke ng Pritil ang hatag, iba pa ang binabayarang TICKET na dalawa lamang ang ini-issue pero apat ang halagang sinisingil.

Reklamo ng 500 Stall owners, bakit pati sila ay tinatarahan ng P30/araw  gayong tenant/owners sila?!

Kapag lumampas ng ga-BUHOK lang sa kanilang stall boundary ang patungan o paninda ay P30 na naman kada stall.

WALA naman daw silang nakikitang improvement sa nabubulok at pinabayaang panghe ‘este’ palengke!?

Pati nga paggamit nila ng CR ay may bayad na P5 kada pasok!

Sonabagan!!!

Kung susumahin umano ay P15mil araw-araw ang kolektong mula sa EXCESS na estilo.

Kaya tumataginting na P.5 MILLION kada buwan ang nakukulimbat nila sa excess.

Kaya pala nagkakagulo ang asosasyon ng palengke?!

Dusa at hirap ang inaabot sa market master, dinadagdagan pa ng asosasyon?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *