Wednesday , December 25 2024

Harden balik-Pinas

ISINAMA si James Harden ng Houston Rockets sa lineup ng NBA All-Stars na haharap sa Gilas Pilipinas sa The Last HOME Stand na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa Hulyo 22 at 23.

Makakasama ni Harden sina Tyson Chandler at Brandon Jennings sa mga idinagdag sa mga naunang isinama sa lineup ng mga Kano tulad nina Blake Griffin, Paul George, Damian Lillard, Kawhi Leonard, Paul Pierce, DeMar DeRozan, Kyle Lowry at Nick Johnson.

Dalawang beses na bumisita  si Harden sa bansa noong isang taon para sa NBA 3×3 at nang ginabayan niya ang Rockets sa 116-96 panalo kontra Indiana Pacers sa pre-season na laro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sina Harden, Chandler, Griffin, George, Lillard at DeRozan ay kasama sa national pool ng USA Basketball para sa koponang ipapadala ng Estados Unidos sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto kalaban ang Gilas. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *