Monday , December 23 2024

On The Job, ER Ejercito, at KC Concepcion, wagi sa FAMAS!

071614 OTJ ER ejercito KC concepcion
ni Nonie V. Nicasio

GABI ng Boy Golden: Shoot To Kill at On The Job ang ginanap na 62nd FAMAS awards night last Sunday, July 13, 2014. Nasungkit kasi ng dalawang pelikula ang 12 out of 17 awards na ipinagkaloob ng gabing iyon.

Wagi bilang Best Picture ang On The Job, pati na ang direktor nitong si Erik Matti. Sina ER at KC naman ang itinanghal na Best Actor at Best Actress respectively.

Sina Pen Medina at Bela Padilla ang pinarangalang Best Supporting Actress at Best Supporting Actor para sa pelikulang 10,000 Hours.

Main host ng awards night sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Raymond Gutierrez, at KC Concepcion. Samantalang sina Bela Padilla at Markki Stroem naman ang naging first set ng host ng gabing iyon.

Nang umakyat sa stage si ER para tanggapin ang kanyang award, dalawang buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago nagsalita.

“Jesus Christ! Noong tinanggal ako sa pagiging Governor ng Laguna ay hindi ako umiiyak, pero parang naluluha po ako ngayon.

“Purihin ang Diyos! Purihin si Allah at ang Nuestra Señora de Guadalupe! Viva! Nuestra Señora de Guadalupe! Sa dalampung taon ko bilang artista, ito pong ipinagkaloob sa akin ngayong gabi ay ang aking ikawalong Best Actor award,” saad ni ER.

Bahagi pa ng acceptance speech ni ER ay, “Kahit ako ay tinanggal bilang gobernador, may Best Actor award naman ako ngayong gabi!

“Ang award ko pong ito ay magsisilbing inspirasyon sa akin para patuloy akong gumawa ng mga quality movies para maka-tulong sa industriya ng pelikulang Filipino. At magiging inspirasyon din sa akin ito para makapagbigay pa ng trabaho o hanapbuhay sa mga Filipino workers na walang trabaho,” saad pa niya na pinasalamatan din ang kanyang pamilya, mga inspirasyon at nakasama sa trabaho, at mga kababayan niya sa Laguna.

Ang iba pang nanalo ng ng gabing iyon ay sina:

Best Child Performer – Adrian Cabido (Lauriana); Best Special Effects – Mothership, Inc./The O & Co. Picture Factory, Inc (Kung Fu Divas); Best Visual Effects – Blackburst, Inc. (Pagpag, Siyam na Buhay); Best Theme Song – Abra para sa kantang Midas (Boy Golden); Best Sound – Erwin Romulo (On The Job)

Best Musical Score – Carmina Cuya (Boy Golden)

Best Story – Michiko Yamamoto at Erik Matti (On The Job)

Best Production Design – Joel Bilbao at Fritz Silorio (Boy Golden)

Best Editing – Jay Halili (On The Job)

Best Cinematography – Carlo Mendoza (Boy Golden)

Best Screenplay – Michiko Yamamoto at Erik Matti (On The Job)

Ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award sina Hiro Peralta, Ken Chan, Jerome Ponce, James Reid, Janine Gutierrez, at Julia Barretto.

Sina Gerald Anderson at Valerie Concepcion ang itinanghal na Male and Female Movie Star of the Night. Samantalang sina KC Concepcion at Gerald Anderson ang nanalong Female and Male Celebrity of The Night.

Tumanggap naman ng Special Awards ang mga sumusunod: FAMAS Grand Award: Jeorge Ejercito Estregan, FPJ Memorial Award: Piolo Pascual, Art Padua Memorial Award: Boy Abunda, Dr. Jose Perez Memorial Award: Mario Dumaual, Exemplary Award for Public Service: Engr. Feli-zardo Jun Sevilla Jr., Excellence Award in Criminal Justice Pao Jail Visitation Team/Legal, Medical Dental, Optical Mission: Chief Public Attorney Persida Rueda Acosta, Presidential Award: Tzu Chi Foundation, at Anti-Piracy Film Award-Ronnie Ricketts.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *