ni Peter Ledesma
NAKALULULA ang mga offer ngayon sa anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Imagine inoperan ng Star Magic para maging talent nila at isasama sa mga future show sa ABS-CBN pero tumanggi si Papa P dahil gusto niya ay mag-concentrate muna sa kanyang pag-aaral ang anak. At ‘yung Indie movie ni Iñigo ay pagbibigay lang ‘yun ng kanyang daddy sa kanya lalo pa’t kailangan sa kursong kasalukuyan niyang kinukuha.
Pero kahit hindi sinunggaban ni Piolo ang offer ng Star Magic kay Iñigo, instant milyonaryo na rin ang anak dahil sa sa endorsement na magkasama silang mag-ama. Sabi ay lampas dalawang milyon ang ibinayad sa young actor ng kompanyang kumuha sa kanya na matagal nang panahon na nagtitiwala kay Piolo. Pero hanggang kailan kaya mapapanindigan ng actor na ‘no to showbiz’ sa anak.
Siyempre iba kapag ang anak na ang naglambing lalo na kapag dumating ang araw na graduate na sa kolehiyo at gusto nang i-pursue ang career sa showbiz.
Let’s wait for dat gyud!