Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claire Dela Fuente may series of shows sa Pagcor Casino simula today

071614 Claire dela Fuente
ni Peter Ledesma

Kung ‘yung ibang mga kasabayan niya ay namamahinga na lang at ‘yung iba ay nagso-show naman sa abroad. Si Claire dela Fuente hanggang ngayon ay may career pa rin sa showbiz.

Yes aside sa kanyang pagiging talent manager, na mina-manage niya ang mga Kapamilya star na sina Meg Imperial, Yam Concepcion etc., patuloy pa rin si Ms. Claire sa kanyang singing career at tumatanggap pa rin ng mga show here and abroad.

Sa katunayan ay may series of shows ang Viva Recording Artist sa ilang branch ng PAGCOR, Casino na magsisimula bukas, July 16, at mapapanood siya sa Pagcor Bacolod na susundan naman sa Pagcor Balibago, Angeles, Pampanga sa July 19, sa July 26 Pagcor Cebu at sa Pagcor Manila Pavilion sa July 30.

Free admission ito kaya lahat welcome manood. Na-witness na namin mag-show noon sa Pagcor Pavilion si Claire at sa galing niyang mag-perform talagang kahit na ‘yung ibang nagsusugal ay napapalingon talaga para mapanood siya at dinudumog ang show niya.

Well kaya naman ganyan ang respeto ng industriya sa singer na nasa likod ng phenomenal hit noon na “Sayang” dahil inaalagaan naman niya ang kanyang career lalong-lalo ang kanyang professionalism at pakikisama sa mga katrabaho sa industriya.

‘Yung resto business naman niya sa Macapagal Avenue na Claire dela Fuente Grill and Seafood ay dinudumog talaga gabi-gabi ng mga customer. Yes always successful talaga si Ms. Claire sa ano mang field na pasukin niya.

Kahanga-hanga tunay naman gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …