Friday , November 22 2024

‘Pork barrel’ ipansusuhol ni PNoy? (Kongreso itatapat sa SC)

071614 Pnoy PDAF DAP SC court
MULING magpipiyesta ang mga mambabatas sa pagpapapogi sa kani-kanilang mga distrito para maihalal muli sa 2016 elections dahil suportado mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang tila pagbabalik ng kanilang “pork barrel”.

Sa ginanap na Daylight Dialogue forum kahapon sa Palasyo, hinimok ni Pangulong Aquino ang mga mamamayan na madaliin ang paghirit ng proyekto sa kanilang kongresista .

Ang pagbibigay ng insentibo sa lehislatura ang nakikitang paraan ng Pangulo upang maging kakampi ang lehislatura makaraan ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng kanyang administrasyon.

“What is doable. Again, incentivize the legislature, amongst other things. So we are not that far off from elections and this is, I think, the time where all politicians are very attuned to what their bosses want. So the bosses have to make that message very clear—perhaps in the form of letters, emails, text messages—to their representatives, reminding them that these are—this is what we want, these (are) our priorities, and please execute them as soon as possible. That’s the very first thing,” tugon ng Pangulo nang tanungin siya kung ano ang gagawin para maibsan ang “chilling effect” sa burukrasya ng pasya ng SC sa DAP.

(ROSE NOVENARIO)

CONSTITUTIONAL CRISIS PINANGANGAMBAHAN NG SOLONS

NANGANGAMBA ang ilang mambabatas na magkaroon constitutional crisis sa bansa dahil sa banggaan ng Malacañang at Supreme Court kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito ay bunsod ng speech ng pangulo, “My message to the Supreme Court: We don’t want to get to a point where two coequal branches of government would clash and where a third branch would have to mediate…There was something that you did in the past, which you tried to do again, and there are those who are saying that [the DAP decision] is worse”.

Pananaw ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian, posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung patuloy na magmamatigas ang Malacañang kaugnay sa desisyon ng SC na unconstitutional ang DAP.

Habang ipinayo ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting na tanggapin na lamang ng pangulo ang desisyon ng SC at huwag nang kwestyunin pa ang 13-0 decision.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, mistulang nagdeklara ng giyera ang pangulo sa SC. Aniya, tama ang desisyon ng SC at imposibleng mabago pa ito kahit may maganap na pananakot.

(JETHRO SINOCRUZ)

PNOY NAGHANAP NG KAKAMPI SA DAP

NAGHANAP ng kakampi si Pangulong Benigno Aquino III sa hanay ng mga negosyante sa pag-alma niya sa pasya ng Korte Suprema na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa kanyang talumpati sa Daylight Dialogue: The Good Governance Challenge sa Palasyo kahapon na dinaluhan ni World Bank Group President Jim Yong Kim, nagbabala siya na posibleng maparalisa ang pag-unlad ng bansa at mabaligtad ang aniya’y malawakang progresong nakamit ng kanyang administrasyon.

Bagama’t wala aniya siyang sama ng loob sa Kataas-taasang Hukuman, inulit niya ang warning ng posibleng constitutional crisis o banggaan ng sangay ng ehekutibo at hudikatura na kinakailangan pakialaman ng lehislatura

Mistulang kinaladkad pa niya ang World Bank para idepensa ang DAP nang sabihin na pareho ang layunin nilang wakasan ang kahirapan.

(ROSE

NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *