Monday , December 23 2024

Ang DAP address ni Pangulong Benigno Aquino (Dedmahan nina Noy-Bi)

00 Bulabugin JSY

ANG talumpati kamakalawa ni Pangulong Benigno Aquino para ipagtanggol ang DAP, sisihin ang Korte Suprema at ang nagdaang administrasyon ay walang esensiyal na epekto sa mamamayan.

Para sa masang sambayanan, ang talumpati ni PNoy ay isang malaking ‘ALIBI’ na isinangkalan ang rason na ‘para mapabilis ang serbisyo patungo sa mamamayan.’

Sa totoo lang, simple lang ang tanong, alin ba ang pinabilis? Ang paghahatid nga ba ng serbisyo sa mamamayan o ang pagpapalabas ng bilyon-bilyong savings ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?

Mas marami sigurong maniniwala na ang rason ay iyong pangalawang tanong at hindi ‘yung una.

‘Yung una ay malinaw na ginamit lang na ‘ALIBI.’

Nakita natin sa TV at youtube na naroon rin sa Palasyo si Vice President Jejomar Binay, pero hindi natin siya nakitang pumalakpak o kinamayan ang Pangulo bago at pagkatapos ng talumpati.

Ito na ba ang simula ng dedmahan nina PNoy at VP Binay?!

‘Galit-galit ba muna tayo’ ang drama ninyo!?

By the way, napansin lang natin na ‘yung mga nagpalakpakan, sila ‘yung mga walang kamatayang ‘sipsip’ kay PNoy at malamang ‘e malaki ang pinakikinabangan?

Nakalulungkot na narito ang isang Pangulo na nagmamalaking nakapagpakulong ng mga sangkot sa P10-bilyon pork barrel scam pero ang kanya palang administrasyon mismo ay mayroong mahigit as P10-bilyong eskandalo?!

Mayroon pa bang mapagkakatiwalaan ang sambayanan?!

Hay buhay-Pinoy!

RAKET SA PAGSAKAY NG TAXI SA NAIA T-4

SINO ba ang isang ERIC SABAS na naghahari-harian sa Airport taxi lane.

Kunwari ay hinaharang nito at pinaaalis ang mga regular taxi na pinapara ng mga pasahero at mga empleyado ng airport terminal 4 dahil kailangan sa yellow taxi lang daw sila sumakay.

Pero kapag nag-abot ng lagay ‘yung driver ng regular taxi sa gwardiya ay pinapayagn niya at inaalalayan pa sa pagparada sa loading bay.

Sonabagan!!!

Hindi pwedeng ipagkaila ni Sabas ang raket nilang

‘yan dahil madalas makita ng mga mananakay ang bulok na sistemang niya!

Sino ba talaga ‘yang si Eric harabas ‘este Sabas at ano ang papel niya sa pilahan ng taxi sa NAIA T4!?

Airport AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon sir, paki-check lang po ang raket na ito sa NAIA T4!

IO GIGI ANGELES, SUMISIKAT NA MASYADO SA BI-CEBU
(ATTN: SOJ LEILA DE LIMA)

NAKAPAGTATAKA na hindi nabibigyan ng pansin ang lantarang anomalya sa Bureau of Immigration (BI) Mactan Cebu International Airport. Masyado na raw ang pamamayagpag ng isang IO GIGI ANGELES sa paggawa ng milagro?

Gayong ang lahat ng ibang Immigration Officers (IO) sa paliparan sa Pilipinas ay nananahimik na at talagang takot masilipan at makasuhan, pero si Ms. Angeles ay wala umanong katakot-takot sa pagiging “very friendly” sa mga restricted nationals, partikular sa mga Intsik at Bombay?!

Jack of all trades din daw kung ituring si IO Gigi Ang-panes ‘este’ Angeles dahil bukod sa pagiging member ng BI-Travel Control & Enforcement unit (TCEU) sa airport, nag-aakto rin daw na Supervisor at pati trabaho ng Immigration Officer na taga-tatak ng passport, pinapapapelan rin daw niya!

Walastik!!! Boom panes talaga!

Pero alam ba ninyo na may nakabinbin pa raw kaso si Angeles kay Atty. Tan sa BI Board of Discipline dahil sa back to back na pagtatak sa passport. Nangyari raw ito noong 2013 at ngayong 2014.

Palibhasa ‘talentada’ ay natuto raw kumapit sa napapabalitang favorite lawyer ni Comm. Fred Mison na si Atty. Taha, na ngayo’y naka-assign din sa BI-Cebu.

Oh I see, kaya pala kahit ano raw ang gawin ni IO Gigi Angeles ay sunod na sunod ang kanyang layaw at kapritso?

Aba’y kung ganyan ang kanyang diskarte, pwedeng makanal si Comm. Fred Mison!?

By the way, ano na ba ang status ng kaso ni IO Ang-panes ‘este’ Angeles na dalawang (2) taon na yatang inaamag sa mesa ni Atty. Tan? Hindi ba dapat matagal na niyang na-resolve at dapat ay napatawan na rin ng preventive suspension?

May nagsasabi na masyado raw napapadrinohan ni Atty. Taha kaya halos usad-pagong na ang nasabing kaso?

Masyado naman yatang unfair ‘yan sa ibang IO na napakabilis nahatulan ‘este’ nadesisyonan ang kanilang kaso. ‘Yung ibang may kaso nga na tsismis (DERO) lang at walang basis ay swak agad. Pero si IO Gigi Angeles ay masyado naman nagiging spoiled daw pagdating sa Board of Discipline.

Hindi ba may instruction si Comm. Mison na resolbahin na lahat ng admin case ng mga empleyado?

I’m calling your attention Comm. Fred Mison, sana ay paimbestigahan ninyo ang ‘pinaggagawa’ ni IO Gigi Angeles sa BI-Cebu at paki-kalampag na rin ang Board of Discipline para resolbahin ang kaso niya.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *