AYON sa ancient art and science ng feng shui, mayroon kang mga kulay na susuporta sa iyo, gayundin ng mga kulay na sasaid sa iyong enerhiay. Ito ay sa mga kulay ng iyong isinusuot na damit at aksesorya, gayundin sa mga kulay ng mga palamuti sa inyong bahay.
Ang personal feng shui color selection na ito ay base sa theory ng five feng shui elements; ito ay nagtatalaga sa bawat isa sa atin ng specific feng shui element. Dahil ang mga elementong ito ay ini-express sa mga kulay, mayroon tayong mga kulay na mainam para sa atin, ibig sabihin ay susuporta at magpapalakas sa atin; mayroon din tayong mga kulay na magpapahina sa ating enerhiya.
Mayroong limang elemento sa feng shui – Wood, Fire, Earth, Metal and Water – at ang iyong enerhiya ay inilalarawan ng isa sa mga elementong ito. Ang feng shui element na ito, ay tinatawag ding iyong personal birth element, na nadedetermina sa iyong taon ng kapanganakan.
Dahil ang Chinese New Year ay nagsisimula sa iba’t ibang araw kada taon, i-tsek upang matiyak ang iyong taon ng kapanganakan para sa feng shui purposes.
Kapag nabatid mo na ang iyong personal feng shui birth element, alamin ang mga kulay na nababagay sa iyo, gayundin ang mga kulay na dapat iwasan. Tandaan na kung ang kulay ay nasa “Colors To Avoid” column, hindi ibig sabihin na kailangan mo itong ganap na iwasan, huwag lamang itong susuutin nang madalas.
Kung ang kulay ay hindi nakalista sa alin mang columns, ang ibig sabihin ang kulay na ito ay neutral sa iyong enerhiya.