Monday , December 23 2024

Super busy ang third quarter ni Zsazhing

040214 Zsazsa Padilla
BUBUKSAN ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang ikatlong quarter ng 2014 sa pamamagitan ng mga exciting na proyekto tulad ng kanyang pinakabagong TV show sa ABS-CBN: ang ikatlong season ng reality-based talent search para sa mga bata, ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp, na ipalalabas tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng Spongebob Square Pants.

Sa loob ng 25 taon, isa sa mga adbokasiya ng Promil Pre-School ang development ng talent ng mga kabataang Pinoy sa tulong ng mga magulang, tamang pag-aaruga, at wastong nutrisyon. In line sa adbokasiyang ito, naglalayon ang i-Shine Talent Camp na tulungan ang mga exceptionally talented preschoolers na mai-develop ang kanilang full potential. Bukod sa mga extensive workshop, malaki ang katungkulan ng mga magulang at wastong nutrisyon sa pagpapaibayo ng mga anking talento ng mga preschoolers.

Sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli, at Xian Lim ang mga host ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp Year 3. Napili si Zsa Zsa bilang isa sa mga mentor ngayong taong ito kasama sina Georcelle Dapat-Sy at Angel Locsin. Bilang isang beterang mang-aawit, recording artist, at concert performer na may 30 taon na, gagabayan ni Zsa Zsa ang top 12 i-Shiners sa pagdedevelop ng kanilang aptitude sa larangan ng musika.

Naghahanda rin si Zsa Zsa sa huling linggo ng pinag-uusspan at top rating na primetime teleserye ng ABS-CBN: ang Mars Ravelo’s Dyesebel bilang bahagi ng talented ensemble cast ng serye. Sa seryeng ito, ginagampanan ni Zsa Zsa ang role ng scheming villainess na si Ena Montilla, na isa sa mga kontrabida na nagpapahirap kay Dyesebel. Maaaring abangan ng loyal fans gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes ang mga huling spine-chilling episodes para malaman kung malalagpasan ni Dyesebel ang mga masasamang plano ni Ena na paghiwalayin sina Dyesebel at Fredo (Gerald Anderson); at kung magiging matugumpay si Ena sa kanyang kasakiman.

Tuwing Linggo naman ng tangahli, regular na mapapanood si Zsa Zsa bilang isa sa mga main host ng flagship, noontime musical variety show ng ABS-CBN, ang ASAP. Bilang isa sa mga pioneering hosts ng ASAP, ang nag-iisang Divine Diva ay isa sa mga driving forces sa likod ng sustained at consistent high ratings ng show na ipinakikita niya ang kanyang classy hosting skills at ang signature brand of musicality habang inaawit ang pinakamaiinit na chart-toppers, standard classics, at homegrown favorites kasama ang ensemble line-up of artists ng show.

Sa pelikula naman, katatapos lang ni Zsa Zsa na mag-shooting para sa title role ng M. (Mother’s Maiden Name) under Quantum Films. Sa panulat at direksiyon ni Zig Dulay, ang M. (Mother’s Maiden Name) ay tungkol kay Madame Bella (Zsa Zsa), isang single working mother na may cancer. Naghahandog ang pelikulang ito ng insightful commentary na malaki ang pagkakaiba ng mga medical treatment na mayroon dito sa bansa para sa mga mayayaman at mga dukha. Makikilahok sa isang international film festival ang M. (Mother’s Maiden Name) at magkakaroon ng local mainstream theatrical release bago matapos ang taon.

It should be noted na ang M. (Mother’s Maiden Name) ay ang big comeback ni Zsa Zsa sa Pinoy indie film circuit mula noong ginawa niya ang Sigwa noong 2011 na idinirehe ni Joel lamangan. Ang standout performance ni Zsa Zsa bilang si Cita na isang NPA leader ay siyang dahilan kung bakit siya pinarangalan bilang Best Supporting Actress ng 8th Golden Screen Awards For Movies ng Entertainment Press Society Inc.’s.

Ang kanyang ikalawang full-length solo studio album under sa Polyeast Records na pinamagatang Noon, Ngayon, Bukas, Kialanman…Palagi ay mabibili pa rin sa market. Ang album na ito, na pinarangalan kamakailan ng Gold Record award para sa outstanding sales ay mayroong 10 tracks na kinabibilangan ng carrier single nito na Palagi, ang follow-up single nito, ang Without You, Maging Sino Ka Man—na isang duet kasama si Martin Nievera, at ang All Cried Out na isang orihinal na komposisiyon ni Zsa Zsa.

“Sobrang blessed at humbled po ang aking pakiramdam dahil bahagi ako ng magagandang mga proyekto,” ani Zsa Zsa. “Maganda pong maging abala sa trabaho at lubos po akong nagpapasalamat sa patuloy na tiwala sa akin ng ABS-CBN at Polyeast Records bilang isang artist. Memorable rin po ang experience ko sa Quantum Films. Ngayong 30 taon na po ako sa industriya, tunay ko pong masasabi na marami pa po akong ibig ma-accomplish sa aking craft. Excited po ako kung ano ang naghihintay para sa akin sa future.”

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *