Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DJ Mo, marami ring ininsulto kaya walang karapatang mangaral

071414 dj mo twister

ni Ed de Leon

ANG dami na naman naming tawa, mga 97 yata. Kasi may nag-comment sa isang post ni Mohan Gumatay alyas DJ Mo, sa isang social networking site, nang nangangaral siya sa isang nag-post na gumamit ng salitang “nigger” na sinasabi niyang isang comment na “racist” at umiinsulto raw sa maraming tao sa buong mundo. May nag-comment naman ng “talk about abortion”.

Kung iisipin mo, okey nga naman. Bakit nagmo-moralize iyang si Mohan Gumatay samantalang siya ay marami ring ininsulto at siniraan sa showbusiness noong panahong may radio program pa siya. Marami silang sinasabing mga “bakla” sa showbusiness samantalang libre naman nilang tinatalakay ang kabaklaan sa kanilang radio show. Kung sa bagay nababalitaan lang namin iyan kasi minsan man, hindi kami nagkaroon ng interest na pakinggan iyang si Gumatay. Ang pinakikinggan kasi namin ay iyong mga AM stations na naghahatid ng balita sa umaga, hindi iyong ganoong klase ng programa.

Iyong punto tama rin naman eh. Hindi ba kaya nga nasa US iyang si Mohan Gumatay ay dahil tinakasan niya ang demanda sa kanya ni Rhian Ramos nang kumalat ang kanyang kinunang video na naghahalikan silang dalawa, at iyong isang video na umiiyak pa siya at sinasabi niyang may hindi magandang ginawa si Rhian sa dapat sana ay naging anak nila, at pinagbintangan pa niyang ang nagsulsol doon na gawin iyon ay ang network dahil makasisira sa career ng aktres. Eh alin kaya ang mas makasisira sa career ni Rhian, iyong sinasabi niyang ginawa niyon o iyong ginawa niyang paglalabas ng kanyang “crying video”? Tapos noong magdedemanda na si Rhian dahil sa mga ginawa niya, umalis siya agad ng walang sabi-sabi at nagtago na sa US.

Ganoon naman talaga iyang si Gumatay. Hindi ba noong nabuntis niya si Bunny Paras, bigla rin siyang nagtungo sa US para magtago?

Kung iisipin mo, iyang si Gumatay ay dapat ding maging residente ng PNP Custodial Center eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …