Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 29)

PAGKAGRADWEYT NAGKUMAHOG MAGKATRABAHO SI LUCKY BOY

Taste Test

Pagka-graduate ko sa kolehiyo ay inam-bisyon ko agad na magkatrabaho. Inihanda ko ang lahat ng requirements na kakailanganin: 2 X 2 ID picture, transcript of record, birth certificate, barangay certification. Police at NBI clearance, postal at Comelec ID (dahil botante na ako). Pagkatapos niyon, nagpasa nang nagpasa na ako ng biodata sa iba’t ibang kompanya. Aplay dito, aplay doon. Pati mga online job opening sa internet ay pinatulan ko rin.

Napudpod ko muna ang isang pares ng bagong sapatos bago ako tinawagan ng isa sa mga kompanyang pinag-aplayan ko. Kwali-pikado raw ako bilang isang civil engineer. Pinapupunta ako ng nakausap ko sa kanilang opisina sa ikapitong palapag ng isang commercial complex building sa Malate, Manila. Naka-schedule umano ang interview sa akin “during office hours this co-ming Friday.”

Alas nuwebe ng umaga ng Biyernes ay naroon na ako sa opisina ng “A2Z Group of Companies.” Dagsa na roon ang mga job seeker na tulad ko. Katatapos lang tumanggap ng diploma sa kolehiyo ang karamihan sa kanila. At tulad ko rin ay puro agresibong magkaroon ng trabaho.

Maagang tinawag ang pangalan ko sa loob ng Human Resources Office. Hinarap ako roon ng isang pa-Ingles-Ingles na seksing babae na nasa edad 25-30 at naka-office uniform na kulay pink na pinaibabawan ng itim na blazer. Siya ang taga-HR na nag-interview sa akin. Aniya’y tanggap na ako pero kinakailangan ko raw dumaan sa isang pagsubok. Mas pinipili raw kasi na maging empleyado ng kanilang kompanya ang masisipag at matitiyaga.

To make the story short, isang buwan daw muna akong mag-aahente ng nakakahong gatas at tsokolate na produkto ng isa sa mga kompanyang nakapaloob sa A2Z Group of Companies. Mas magiging priority daw sa construction firm ng kanilang kompanya ang application ko sa pagka-civil engineer kapag ako ay nakapasa sa pagsubok.

“P-pumayag kang maglako ng powdered milk at instant chocolate?” nasabi ni ermat sa panlalaki ng mga mata.

“Gusto ko pong magkatrabaho, e,” ang sa-got ko. “’Tsaka meron naman po akong thirty percent commission sa gross sales…”

“Anak naman… Ano’ng kaugnayan ng pag-aahente mo sa trabaho ng isang civil engineer?”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …