Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich, ikakasal na sa non-showbiz BF

071214  Erich Gonzales
ni   Pilar Mateo

SI Erich Gonzales, magpapakasal na?

Sinasabing 2010 niya nakilala ang non-showbiz boyfriend niya. At nag-propose na ito sa kanya noong 2012. What does 2014 hold in store?

“Ay grabe! Hindi pa pinag-uusapan kasi alam niya there’s work to do for me. May movie (‘Once A Princess’) kami ni Enchong (Dee) with JC de Vera. So, all out naman ang support niya in all that I need to accomplish!”

And excited siya with her MMK take sa Sabado.

Isang modelong beauty queen na may kapansanan sa paningin ang ita-tackle na karakter ni Erich sa isa na namang kaabang-abang na episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, July 12 sa ABS-CBN.

Bilang si Jessa, inspirasyon upang patuloy na lumaban sa buhay sa kabila ng mga pagsubok ang ibabahagi ng kanyang istorya sa mga manonood.

Sa edad 18, tuluyan nang nawala ang paningin ni Jessa na namana ang glaucoma mula sa kanyang ina. Tuklasin sa MMK kung paano tinahak ng isang batang lumaking inaapi sa eskuwelahan ang daan tungo sa tagumpay lalo na nang maging guro siya ng mga estudyante na may kapansanan din sa paningin at koronahan siya bilang Miss Philippines on Vision 2013.

Tampok din sa naturang episode sina Irma Adlawan, William Lorenzo, Nikki Bagaporo, Abby Bautista, Bianca Bentulan, Ogie Escanilla, Louise Bernardo, Joe Gruta, Amy Robles, Dionne Monsanto, Nina Ricci Alagao, at Koreen Medina. Ito ay idinirehe ni Nuel Naval mula sa panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa kanilang taping nakasama ni Erich ang letter-sender na nagbigay ng ibayong emosyon sa mga personal na kuwento nito.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …