Wednesday , November 27 2024

Guiao tanggap ang pagkatalo

BINIGYANG-PUGAY ni Rain or Shine head coach Joseller “Yeng” Guiao ang San Mig Super Coffee dahil sa pagkapanalo ng Coffee Mixers ng Grand Slam sa PBA.

Sa pag-uusap sa ilang mga manunulat noong isang gabi pagkatapos na matalo ang Elasto Painters sa Game 5 ng finals ng Governors Cup, sinabi ng kongresista ng Pampanga na naging masama ang kanilang simula kaya napilitan silang maghabol hanggang sa kinapos sila sa huli.

“We had a bad start in the first quarter and although we managed to outscore them (Mixers) in the last three quarters, it was not enough,” wika ni Guiao. “We fell one three-point shot short and it was just not meant for us. But we gave the public a good series.”

May tsansa sana ang Painters na itabla ang laro sa 92 ngunit namintis ni Arizona Reid ang kanyang huling tres kaya naitakas ng San Mig ang panalo na nagtapos sa serye.

Sa katatapos na PBA season ay dalawang beses na nag-runner-up ang Rain or Shine at huli itong nagkampeon noong 2012.

“We end the season with our heads unbowed,” ani Guiao. “I congratulate Tim Cone and San Mig for a very good series and they deserved the Grand Slam.”

Habang nagpapahinga sina Guiao at ibang mga Painters ay umalis kahapon sina Paul Lee at Beau Belga upang sumama sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup sa Wuhan, Tsina. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …

Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan Artistic Swimming

Tan umukit ng kasaysayan sa artistic swimming

NAKUHA ng Philippine artistic swimming ang kinakailangang tulong para maipakilala ang masang Pinoy nang makamit …

Richard Bachmann PSC Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron

Batang Pinoy National Championships nagsimula na

PUERTO PRINCESA CITY – Nagsimula na ang 16th Batang Pinoy National Championships kahapon, Linggo sa …

Spikers Turf Voleyball

HD Spikers malapit na sa semis, Griffins tanggal

PINATIBAY ng Cignal ang kanilang kampanya para sa semifinals sa Spikers’ Turf Invitational Conference sa …

Womens Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) - Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado

Women’s Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) – Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado

PALAKASIN ang women’s basketball development program ang target ng Magilas Pilipinas Basketball Association (MPBA) Women’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *