Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gigi Reyes isinugod sa ospital (Inatake ng anxiety nang ikulong sa BJMP)

071114 gigi reyes hospital prison

ISINUGOD sa Taguig-Pateros District Hospital si Atty. Gigi Reyes dahil sa anxiety attack kahapon ng madaling araw.

Dakong 1:05 a.m. nang isugod sa pagamutan si Reyes ilang oras pa lamang nananatili nang ilipat sa Camp Bagong Diwa, Bicutan ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa press briefing na isinagawa ni Dr. Prudencio Sta. Lucia, medical director ng Taguig-Pateros District Hospital, sinabi niyang lumabas sa pagsusuri kay Reyes na dumanas siya ng anxiety disorder.

Nang isugod aniya sa pagamutan si Reyes ay mataas ang kanyang blood pressure sa170/110, naghihina kaya binuhat para isakay sa ambulansiya.

Sinabi ni Sta. Lucia, maayos na ang kalagayan ni Reyes at bumaba na ang blood pressure sa 130/90 dahil sa binigay nilang medikasyon bagama’t patuloy pang naka-dextrose.

Ayon sa doktor, kailangan pang obserbahan at hindi agad makalalabas si Reyes sa ospital.

Nabatid din na may history si Reyes na bell’s palsy and seizure attack.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …