Saturday , May 10 2025

Abad lalantad pagkatapos ng SoNA

070614 abad pnoy

LALABAS na sa kanyang ‘lungga’ si Budget Secretary Florencio Abad makaraan ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 28.

Ito ang pahayag ng Palasyo hinggil kay Abad na itinuturing na “missing in action” ng publiko, mahigit isang linggo na mula nang ideklara ng Korte Suprema ang iniakda ng Kalihim na Disbursement Acceleration Program (DBM) bilang unconstitutional. Idinahilan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na abala si Abad sa paghahanda ng panukalang 2015 national budget na isusumite sa Kongreso makaraan ihayag ng Pangulong Aquino ang kanyang ikalimang SONA sa Hulyo 28.

“In truth and in fact, Secretary Butch Abad is really busy in budget preparation. The budget… SONA is around the corner. Thereafter, we will submit the 2015 proposed national expenditures program. And for that particular reason, he has been meeting with a number of agencies; and at some appropriate time, Secretary Butch Abad will come out,” ani Lacierda.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Chiz Escudero

Mga sangkot sa road rage  
‘KAMOTE’ DRIVERS BAWIAN NG LISENSIYA — ESCUDERO

INIREKOMENDA ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pamahalaan partikular sa Land Transportation Office (LTO) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *