DUMATING ANG PAGKAKATAONG HINIHINTAY NI JOMAR TUMAWAG SI MARY JOYCE
Umiling siya.
“Pero kakilala niya ako dahil dati kong kliyente ang kapatid niyang si Mary Jean,” paglilinaw niya.
“Sorry, Sir…Balik ka na lang ‘pag nagkausap na kayo ni Miss Joyce,” ang sabi ng bantay sa matigas na tinig.
At isinara na agad ng bantay ang metal na pintuan ng gate.
Sa gabi man ay abala pa rin si Jomar sa iba’t ibang aktibidad. Bukod sa pakikipag-date sa kung sino-sinong babae at pakikipagbarkadahan, maging ang mga prospect client ay sinasabayan din niya sa paggo-goodtime.
“Life is short kaya dapat ma-enjoy ang buhay,” katwiran niya.
Nagkataong nasa loob siya ng isang comedy bar nang mag-ring ang kanyang cellphone. Maingay doon kaya hindi niya narinig. Tatlong tawag ng caller ang hindi niya nasagot. Nagbigay na lamang ito ng mensahe sa text. “Gud pm. Pls return call, Dis is Mary Joyce Revillaroja.”
Natawagan niya ang dalaga kinabukasan na ng umaga.
“Sorry, na-miss ko ang mga tawag mo kagabi…” panghihingi niya ng paumanhin kay Mary Joyce.
“It’s okay…” anito sa kabilang linya ng cp. “Pwede mo ba akong madalhan ng brochure ng mga bagong modelo ng kotse?”
“Anytime…” ang masigla niyang tugon. “Puntahan kita today?”
Positibo ang isinagot kay Jomar ni Mary Joyce. “After luch” ang ibinigay nitong oras sa kanya. “Darating ako ng two pm,” ang sabi naman niya.
Tulad nang napag-usapan, dumating si Jomar ng alas-dos ng hapon sa mansion ng mga Revillaroja. Pinapasok ng sekyu ang kotse niya sa compound niyon. Pinatuloy siya sa tanggapan ng mga bisita sa ground floor.
Hindi nagtagal at dumating doon si Mary Joyce na naka-short-shorts at puting t-shirt. Lalong tumingkad ang kabigha-bighani nitong personalidad. Mala-labanos ang kutis. Hugis-gitara ang katawan. At naka-ngiti ito nang lumapit sa kinauupuan niya.
“Good morning,” aniya sa pagbibigay-galang sa dalaga.
Binati rin siya nito ng “good morning” at saka naupo sa tabi niya. Inabutan niya ito ng brochure ng mga latest model ng kotseng ibinebenta ng kanilang kompanya. Binuklat-buklat iyon. Puti ang kulay na napili nito sa klase ng sasakyan na may larawan doon.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia