Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She’s Dating The Gangster, kabi-kabila ang block screening

 071014 kathniel

ni Dominic Rea

NAKAKALOKA talaga kapag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang gumagawa ng pelikula. Hindi pa man natatapos ang shooting ng She’s Dating The Gangster lalo na nang nakompirma na ng Star Cinema ang playdate nito, aba’y naglipana ang block screening ng movie mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nakatutuwa dahil kanya-kanyang block screening ang napakaraming fans group/club ng dalawang bida sa pelikula at pati kami ay nakatanggap na rin ng imbitasyon for it.

Ibang klase ang istorya ng SDTG kasi bagets na bagets ang tema nito na sa totoo lang ay tumugma sa karakter in real nina Kath at DJ na medyo kikay si Kath at astig naman si Daniel. Sobrang nakatutuwa ang fanatics ng dalawa dahil kahit sa social media ay sobrang nakasuporta ang mga ito kaya naman during the presscon of SDTG ay nagpasalamat ang dalawa sa kani-kanilang supporters.

At bilang publicist naman ni Daniel, nakaranas na rin ako ng pamba-bash sa social media na hindi lang isang beses kundi apat na beses na. Pero hindi ko na ininda ‘yun dahil ganoon talaga ang buhay at kasama na ‘yan sa aking trabaho at obligasyon para sa aking apo!

Basta, tuloy-tuloy lang ang biyaya sa KathNiel ay masaya na rin ako bilang lola! SDTG showing na guys simula ngayong July 16 in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …