Friday , April 18 2025

Accreditation ng NGOs lusot sa House panel

INAPRUBAHAN na ng House Committee on People’s Participation ang panukalang batas para sa accreditation ng lahat ng non-governmental organization (NGO) at people’s organizations na pwedeng tumanggap ng salapi mula sa gobyerno.

Layunin nito na tumibay pa ang sistema para sa accountability at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan para hindi na maulit ang pamamayagpag ng Napoles NGOs na naging instrumento ng pork barrel scam.

Ang House Bill 4688 o NGO Accreditation for Government Fund Releases Act ay substitute bill ng panukala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng isang ahensiya na mangangasiwa sa pagbibigay ng accreditation sa mga grupo na nagnanais magpatupad ng proyektong gamit ang pondo ng gobyerno.

Dadaan sa mabusising proseso ng validation ang mga NGO at POS para mapatunayan ang pagiging lehitimo ng mga ito pati na ang kanilang kapasidad.

Ang lahat ng detalye ng transaksiyon ng mga ito sa mga ahensiya ng gobyerno ay kailangang ilathala sa agency website at obligado rin ang mga organisasyong ito na mag-liquidate.

Kung mabibigo ang NGOs na gawin ito ay makakansela ang kanilang accreditation bukod pa sa pwede silang maharap sa kasong sibil o kriminal.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

Water Faucet Tubig Gripo

Kompanya ng mga Villar sinisi sa kawalan ng tubig sa iba’t ibang lugar 

BINATIKOS ng mga konsumer mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Las Piñas representative …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *