Tuesday , November 5 2024

116 DAP projects ‘di pa isasapubliko (Palasyo bumubuo pa ng diskarte)

WALANG plano ang Malacañang na isapubliko ang 116 proyekto na tinustusan ng pondo mula sa  Disbursement Acceleration Program (DAP) hangga’t hindi nakabubuo ng legal na diskarte ang Palasyo makaraan ideklarang unconstitutional ng Supreme Court ang kontrobersiyal na multi-bilyong programa ng administrasyong Aquino.

Kamakalawa ay hinamon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Malacañang na ihayag kung saan napunta ang pondo ng DAP.

Ikinatuwiran ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., na kailangan pang pag-aralan nang mabuti ng Palasyo ang implikasyon ng pasya ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP upang makapagbuo ng kaukulang hakbang bunsod na rin ng 15 araw na panahong ibinigay ang Kataas-taasang Hukuman para umapela ang Malacañang.

“Meron pang umiiral na proseso ang batas at sa aming palagay dapat ay kunin namin ang pagkakataong nasa amin sa kasalukuyan na pag-aralan muna nang masusi ang buong implikasyon ng pasya ng Korte Suprema para makapagbuo ng appropriate response, ano, and we are still well within our window of opportunity under the rules of court,” ani Coloma.

Tiniyak ni Coloma na sa takdang panahon ay ibubunyag ng Palasyo kung saan napunta ang multi-bilyong pondo ng DAP.

Ang desisyon ng SC na unconstitutional ang DAP ang naging batayan ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco nang magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III sa Kongreso, at basehan din ng partylist groups Kabataan at Youth Act Now nang maghain ng plunder case laban kay Budget Secretary Florencio Abad.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *