ANG buhay na mga bulaklak ang pinakamainam para sa mga tahanan, dahil ito ay nagdudulot nang malakas na healing energy; ngunit ang imahe ng mga bulaklak o high quality silk flowers ay madalas ding ginagamit sa feng shui.
Narito ang mga katangian ng most popular flower symbols na ginagamit sa feng shui applications.
*Peony. Kabilang sa most sensual flowers na may delicious scent, ang peony ay matagal nang ginagamit sa feng shui bilang cure for love & romance. Partikular dito ang pink peonies. Ang simbolo ng peony ay madalas na ikinokosndiera bilang metaphor para kagandahan ng isang babae. Hindi inirerekomenda ng ilang feng shui masters ang pagkakaroon ng imahe ng flowering peony sa older couple’s bedroom upang mapigilan ang pagpatol sa younger women ng lalaki.
*Lotus. Ang lotus flowers ay sumisimbolo sa ultimate perfection; ang kadalisayan nito ay hindi nababahiran ng putik kung saan ito tumutubo. Sa Chinese medicine, ang bawat bahagi ng lotus plant, mula sa mga ugat hanggang sa petals, ay may medicinal properties, kaya ito ay simbolo ng more potent feng shui cure para sa malusog at nagkakaisang tahanan.
*Cherry Blossoms. Ang namumukadkad na mga bulaklak ng cherry, gayundin ng apple, dogwood, peach o iba pang katulad na punong-kahoy, madalas na ginagamit para magdulot ng enerhiya ng bagong panimula, ay may sense of freshness and innocense. Madalas na ginagamit ang imahe ng cheery blossoms bilang love & marriage cure, ngunit maaari ring gamitin bilang fengshui cure for health.
*Orchid. Ang magandang bulaklak na ito ay ikinokonsiderang classical feng shui symbol of fertility. Ang orchid ay nagdudulot ng enerhiya nang walang bahid na natural symmetry, ito ay naging simbolo rin ng pagsusumikap na maging perpekto sa ano mang erya ng buhay. Simbolo ng kasaganaan, pagiging perpekto, spiritual growth, kagandahan at kadalisayan, sa mga katangiang ito, ang orchid ay naging tanyag na house plant sa Kanluran.
*Narcissus. Sa Chinese culture, ang structured energy ng narcissus flower ay pinaniniwalaang nagdudulot ng paglago ng career, talento at mga kakayahan. Madalas na ginagamit bilang feng shui career cure, ito ay pinaniniwalang nakatutulong para magkamit ng pabuya mula sa pagsusumikap. Ang puting narcissus ay madalas na ginagamit sa feng shui career applications kaysa kulay dilaw.
*Chrysanthenum. Ang feng shui symbol ng chrysanthenum flower ay iniuugnay sa pamumuhay nang balanse at maginhawa. Gayundin, ang bulaklak ay ikinokonsiderang mayroong malakas na yang energy, kaya ito ay ginagamit bilang good luck para sa indibidwal at sa tahanan.
Lady Choi