To Señor H,
Nagdrim aq, naglalangoy aq tas bigla2 nalulunod n dw aq, pero d aq natakot tas may nakita aq pinto na naksra dw ito.. at naisip q na pumnta dun s pinto, wat kya ntrprt nyo po s drim q? im raul, dnt post my CP #, tnx a lot poo!!
To Raul,
Kapag nanaginip na ikaw ay nalulunod, nagpapakita ito na pakiwari mo ay nawawalan ka ng kontrol sa iyong emosyon. Ang mga repressed issues ay nagbabalik upang ikaw ay usigin. Maaaring masyadong nagiging mabilis ka sa paghahanap o pag-discover sa iyong unconscious thoughts. Dapat kang maghinay-hinay at maging maingat sa mga bagay na ginagawa mo. Kung namatay ka sa panaginip mo dahil sa pagkalunod, ito ay may kaugnayan sa emotional rebirth. Kung nakaligtas ka naman, ito ay maaaring nangangahulugan na sa waking relationship or situation, ikaw ay makaliligtas sa pagdating ng kaguluhan o suliranin sa bandang huli.
Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Ang bukas na pinto ay nagsasaad din ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsasabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkakataon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad. Kaya dapat kang maging alisto at mag-ingat sa ganitong klase ng mga tao.
Señor H.