Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol patay, 2 pa sugatan sa tricycle

RIZAL – Binawian ng buhay ang isang taon gulang sanggol na babae habang dalawa pa ang sugatan makaraan mawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang namatay na si Princess Jane Clerigo, residente ng Black Cross, Upper Nazareneville, Brgy. San Roque ng nasa-bing lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas ang iba pang mga pasahero na sina Nelia Ambos, 49, ng Filinvest, Dulong Crasher, at Marilyn Laxamana, 32, ng Black Cross, Upper Nazareneville, kapwa ng nasabing barangay.

Arestado ang driver ng tricycle na si Noel Arcilla, 34, may asawa, residente ng Lornaville Subd., Sitio Colaique, ng nasabi rin lugar.

Ayon sa ulat, dakong 10:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Marigman St., Goldenhills, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Tinatahak ng tricycle (OE-5723) ang nabanggit na lugar nang masira ang mudguard nito at bumara sa gulong dahilan para mawalan ng kontrol ang nasabing sasakyan.

Nahaharap ang tricycle driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …