Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faith, lumaki ang boobs sa pagtaba

ni Alex Datu

NAGKAROON din kami ng pagkakataong interbyuhin si Faith Cuneta sa nasabing ikatlong major concert ni Gerald Santos sa Skydome noong Biyernes ng gabi. In passing, nasabi nitong hindi na niya kailangan magpa-enhance ng boobs.

Aniya, “Kailangan lang pala tumaba ako para lumaki ang aking boobs kasi noon, flat-chested ako. Hindi ko na kailangan pumunta kay Dr. Manny Calayan para magparetoke dahil tama ang laki ng boobs ko ngayon. ‘Di ba noon pa, ayaw ng parents ko na magpalaki ako ng boobs kasi takot sila sa magiging side effect. Kailangan ko lang para ang tumaba para lumaki ito ng natural,” tsika ng Koreanovela Diva.

Tinanong din namin siya tungkol sa kanyang lovelife at kabi-break lang daw nito sa kanyang boyfriend of five months. Nalaman din namin na mayroon din siyang naging boyfriend noon sa college na tumagal ng 10 taon ang kanilang relasyon na bumura sa aming impresyon na may pagka-tomboy ito dahil wala kaming nabalitaang naging boyfriend nito, malihim lang pala.

And speaking of magic, inamin nitong may mga tomboy na nanligaw sa kanya kahit noong nasa high school pa siya pero wala siyang pinatulan sa mga ito.  ”Okey naman sila, they’re good friends at doon sa mga nanligaw noon, sinasabi ko lang na magkaibigan na lang kami.”

Nagulat pa nga siya nang sabihin namin na may dalawang tomboy na kaibigan namin ang tinatanong siya at isa rito, kung nag-asawa na ito. Siyempre, natawa na lamang siya at inaming hindi na bago sa kanya na malamang mayroon siyang mga magic na admirer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …