Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Xian, miss na raw ang isa’t isa

ni Rommel Placente

PAGKATAPOS ng kanilang blockbuster movie na Bride For Rent, muling magsasama sa isang romantic-comedy film na may working title na Past Tense sina Kim Chiu at Xian Lim kasama ang Concert Comedy Queen na si Ai-Ai de las.

Excited si Xian na muli silang magkakasama sa pelikula ng kanyang ka-loveteam at rumoured girlfriend.

Sabi ni Xian,”We are very excited kasi ang tagal din naming hindi nagsama (sa pelikula),last ‘yung ‘Bride For Rent’, at ito na.  I Can’t wait to share it with them (fans nila ni Kim).’”

Inamin din ni Xian na na-miss nila ni Kim ang isa’t isa.

“Siyempre nakaka-miss ‘yung rhythm kasi coming from an everyday basis na taping-shooting tapos finally ito na nga ‘yun, so I can’t wait for people to see dahil kakaiba nga talaga itong bago naming movie ni Kim.”

Sa kabilang banda, aminado rin si Kim na na-miss niya si Xian.

“Oo, nakaka-excite and  ayun nakaka-miss din ‘yung bonding namin together and magsasama uilt kami kasi kilala namin ang isatnisa.”

Pero sinabi nina Kim at Xian na kahit hindi sila nagkakasama ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang commication, hindi raw ito nawala.

“Oo naman. nandiyan pa rin kami para sa isa’t isa.”

Siniguro rin na Kim na mas maraming panahon sila ni Xian para makapag-catch-up sa mga panahong hindi sila nagkakasama.

“Yes mas maraming bonding at excited kami sa mga taong sumusuporta sa aming dalawa.”

Nagkasama sa isang commercial para sa isang kape sina Kim at ex-boyfriend niyang siGerald Anderson. Ano ang reaksiyon ni Xian dito?

“Wala naman, we are all here working. It’s nothing,” sagot ni Xian.

Natanong din si Xian sa kanyang reaksiyon tungkol sa pagiging solid pa rin ng mga fan nina Kim at Gerald na Kimerald  na hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang mga ito na sa bandang huli ay sina Kim at Gerald pa rin ang magkakatuluyan.

“They have been there at nagkaroon din ng Kim-Xian. Mayroon si Kim na sarili niya at mayroon din ako, sarili naman. We are just making fun. Para sa akin, we are just here to make people happy.We are just here to make everything work.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …