Wednesday , May 7 2025

Kabit na titser ni mister ini-blackmail misis nasakote

070314_FRONT

NADAKIP sa entrapment operation kahapon ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang 29-anyos ginang makaraan hingian ng pera at takutin ang isang titser na sinasabing may relasyon sa kanyang mister.

Ayon kay Chief Inspector  Benito Basilio, Jr., hepe ng Station Investigation Detective & Management Section, dahil sa pakiusap ng suspek ay hindi nila inihayag ang tunay na pangalan ng ginang at itinago sa pangalang Marie, nakapiit sa kanilang detention cell at nahaharap sa kasong robbery extortion.

Hindi rin inihayag ang pangalan ng guro na itinago na lamang sa pangalan Beth, sa takot na matanggal sa trabaho at mawalan ng lisensiya bilang isang guro.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan ni Marie na may relasyon ang gurong si Beth sa kanyang mister na hindi rin pinabanggit ang pangalan.

Imbes magharap ng reklamo si Marie laban kay Beth ay hiningian na lamang niya ng malaking halaga ang gurong si Beth kapalit ng pananahimik.

Dahil ayaw maeskandalo ng biktima sa pinapasukan niyang paaralan, pumayag siya sa nais ni Marie at ibinigay ang halagang hinihingi.

Ngunit muling humingi ng pera ang suspek dahilan para humingi ng tulong ang biktima sa himpilan ng pulisya.

Gayon man, nagbanta si Marie na hindi pa aniya tapos ang problema dahil babalikan  niya ang kanyang mister at ang titser na sasampahan niya ng kasong adultery.

ni JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Sara Duterte Zuleika Lopez Atty Lorna Kapunan

Disbarment laban kina VP Sara, Zuleika nararapat — Kapunan

IGINIIT ni Atty. Lorna Kapunan na bukod kay Vice President Sara Duterte ay dapat din …

050625 Hataw Frontpage

FPJ Panday Bayanihan, pasok sa top 2 ng Luzon

HATAW News Team SA PINAKABAGONG WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *