SIMULAN ang paggamit ng feng shui cures makaraan isagawa ang clutter clearing. Ang paninirahan sa clutter-free home ay magdudulot ng kalinawan at malakas na energy levels sa inyong bahay. Ang tahanan na clutter free ay maaari ring makinabang mula sa inyong feng shui decorating efforts at pasisiglahin ang good feng shui energy.
Narito ang basic feng shui tips para sa harmonious home:
*Maglagay ng maraming happy images ng inyong pamilya sa buong bahay, lalo na sa living room/family room, kitchen at dining, gayundin sa East feng shui area ng bahay.
*Mag-apply ng feng shui sa inyong bedroom, gayundin sa bedroom ng inyong mga anak.
*Balansehin ang enerhiya ng inyong bahay ayon sa limang feng shui elements sa pamamagitan ng paglalagay ng harmonious colors.
*Alamin ang EMF levels sa inyong bahay; sikaping makabuo ng healhty home.
*Gumamit ng feng shui energy purifiers katulad ng essential oils, crystals and candles para magdulot ng harmony, maging kalmado at balanse ang lugar.
Lady Choi