Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 19)

NAGULAT SI ATOY NANG MATANTONG TINATAWAG SIYA NG SEXY CHIKABABE

Tingin ko’y ini-enjoy din nina Biboy at Arvee ang gabi sa pagsabay nila ng kanta at pasimpleng pagtipa kunwari ng gitara. Pero si Mykel ay tumotodo nang birit kahit madalas na sablay ang kanyang wordings. Walang hiya-hiya ang tinamaan ng magaling!

Pamaya-maya, napatanga ako kina Biboy at Arvee nang malingunan kong kapwa sila nakanganga. Walang kakurap-kurap ang kanilang nanlalaking mga mata habang nakatanaw sa ‘di-kalayuan, sa gawing tagiliran ng stage na pinagdarausan ng concert. Nang sundan ko ang tinutumbok ng kanilang paningin ay biglang tumaas ang aking adrenalin. Bumilis ang pintig ng puso ko at tila nagpitlagan ang lahat ng mga kalamnan sa aking buong katawan. OMG! Kaya naman pala ay super-ganda, super-sexy, super-puti at super-kinis ang chikababes na naroroon.

Nag-ala-bubuyog ang instinct ko na mada-ling maakit sa isang mabangong bulaklak. Awtomatiko nang gumana ang aking mga paa sa paghakbang palapit sa kagandahang mas maganda kay “Monalisa” ni Da Vinci at sa iba pang obra maestra ng mga dakilang pintor sa buong mundo. Makaraan ang ilang saglit, pagkatapos na pagkatapos ng kantang “All My Loving “ ay pumailanlang naman ang “And I Love Her.”

Nagsimulang umindak-indak ang chikababes na super sexy ang dating sa akin. Pati na ang mga balikat at kamay niya ay pagkalandi-landi ang pag-imbay-imbay na para bang nagpi-piano sa hangin. Bahagya akong napakunot-noo nang makita kong nakadamit pantulog siya at nakatsinelas lang na pambahay. Pero hanep! Pati sakong ng mga paa niya ay marosas-rosas ang kulay.

“Hey, guy… Come here,” kaway niya.

Napalingon ako sa aking likuran. Sinundan pala ako roon nina Biboy, Arvee at Mykel. Inakala kong isa sa tatlo kong dabarkads ang kina-wayan ng super sexy na chikababes. Pero umi-ling siya nang ituro ko si Biboy. Hindi rin naman daw si Arvee. At lalong hindi si Mykel. “You!” ang senyas ng daliri niya sa akin.

“M-me?” pagtuturo ko ng hinlalaki sa aking sarili.

“Yes, you, handsome guy!” tango ni Super Sexy Lady.

Bahagya akong lumapit sa kanya.

“Do you play piano?” aniya na parang itinitipa-tipa sa hangin ang mga daliri.

“No,” iling ko. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …