Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, ayaw patulan ang isyung anino lang siya ni Toni

ni Dominic Rea

BAKLANG-BAKLA namang humarap si Alex Gonzaga sa entertainment media sa presscon ng kanyang latest seryeng Pure Love na mapapanood na simula ngayong July 7 sa primetimebida ng ABS-CBN!

Aliw talagang kausap si Alex kahit noong nasa kabilang network pa ito. Simpleng daldalitang baklita ang dating niya sa amin na kahit paano ay nakikita at nararamdaman naman namin ang kanyang sensiridad noh!

Sabi nga namin, mukhang mas magaling siyang aktres kaysa  kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, feeling lang namin.

Anyways, sabi pa ni Alex, sobrang bilis ng mga biyayang kanyang natatanggap simulang nasa bakuran na siya ng Kapamilya Network. Honored siyang pagkatiwalaan  ng ABS-CBN at willing din naman daw siyang ibigay ang kanyang parte. But when asked about some issues like anino lang siya ng kanyang Ate Toni, sinabi nitong wala siyang panahong patulan ang mga ito at naniniwala siya sa kasabihang we cannot please everybody. Pak!

DYESEBEL, THREE WEEKS NA LANG SA ERE

YES! Kompirmado! Tatlong linggo na lang mananatili ang seryeng Dyesebel  ayon pa sa isang insider ng Dreamscape.

Sa kabila ng pagiging consistent top rating nito sa primetime ay tuluyan na ngang matatapos ang seryeng ito. In fairness sa Dyesebel, na-maintain nito ang kanyang excellent performance since day 1. Marami talaga ang nagtataka kung bakit ganoon kabilis ang pagtatapos ng mga teleserye sa primetimebida nowadays pero base sa napakaganda at simpleng paliwanag ng isang insider na kapag pinahaba o lagyan pa ng extension ang kuwento ng isang serye, imbes na ma-sustain nito ang napakataas na ratings ay baka bigla lang itong lumaylay!

Totoo nga naman! Honestly, may mga serye talagang good for 6 months not intended for stretching kaya bongga talaga ang ABS-CBN sa pagiging experimental nila. ‘Yan ang Kapamilya Network!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …