Tuesday , May 7 2024

Girlfriend ni Jason Abalos na nasa PBB house hinalikan ni Daniel Matsunaga (Ano Ito???)

ni Peter Ledesma

This month lang ay pumasok sa Bahay ni Kuya si Jason Abalos, para sorpresahin ang girlfriend si Vickie Rushton. Sa naturang episode ay kitang-kita sa mukha ng housemate na si Vicki na walang excitement sa mata niya nang makita ang boyfriend actor. Parang deadma na siya kay Jason, na parang tinatabangan na siya sa kanilang relasyon. ‘Yun pala talagang nagkakalabuan na ang dalawa at ayon mismo kay Vickie ay hindi na siya nag-eenjoy sa company ni Jason dahil wala naman bago kundi ‘yun na lang at ‘yun ang kanilang ginagawa. Gusto ni Vickie na makakita ng guy na adventurous na marami siyang matututunan at mukhang nakikita niya sa kanyang co-housemate na hunky model actor na si Daniel Matsunaga. Last Saturday sa episode ng PBB All In pagkatapos ng kanilang weekly task na naglaro sila ng volleyball, hinalikan ni Daniel sa noo si Vickie at kinilig ang mga kapwa nila housemate sa tagpong ‘yun. Mukhang super in-love si Vickie kay Daniel. Maging sila kaya sa loob ng PBB house? Paano na si Jason? Ano kaya ang magiging saloobin niya sa lan-tarang pagkakagusto ng kanyang nobya sa ex ni Heart Evangelista. Ano man ‘yun, problema na nilang magsyota gyud!

SA TINDI NG SUCCESS NG TELESERYE NINA COCO AT KIM, BOOK 2 NG IKAW LAMANG PINAG-UUSAPAN NA

Kung nawindang na kayo sa mga napanood sa mga eksena in the past weeks, sa favorite serye ninyong “Ikaw Lamang,” this week, mas lalo kayong magugulantang sa inyong masasaksihan dahil madidiskubre na ni Rebecca (Angel Aquino) na nakalalakad na si Franco (Jake Cuenca). Sa sobrang pagkabigla yata dahil itinakbo sa ospital si Isabelle dahil manganganak ay nalimutan ang kanyang pagpapanggap. Matagal kasing inilihim ni Franco ang bagay na ito kahit paulit-ulit siyang pinagdududahan ng asawang si Isabelle (Kim Chiu), patuloy pa rin siya sa pagkukunwa-ring lumpo siya. Bilang ina ni Isabelle ay masakit para kay Rebecca na lantarang niloloko ni Franco ang anak nila ni Gonzalo (John Estrada) lalo pa’t ilang beses na rin nakatikim ng pananakit sa kanya. Samantala para walang gulo at matahimik na kahit labag sa kalooban na mapalayo sa Salvacion ay sumang-ayon si Samuel (Coco Martin) sa kagustuhan ng misis na si Mona (Julia Montes) na sa Maynila na sila manirahan ng kanilang anak. Kasamang lumuwas ng mag-asawa ang Ate Lupe (Meryll Soriano) ni Mona at kababata ni Samuel na si Calixto (Lester Llansang) at nakitira sila sa kakilala ni Lupe. Plano ngayon ni Samuel na magbalik sa pag-aaral at kinumbinsi rin si Mona na sabay na silang mag-aral at maghanap na rin ng trabaho. Samantala, may maitim na binabalak na naman si Maximo (Ronaldo Valdez) at kino-koumbinsi ang apong si Franco na tumakbo sa darating na election para maging makapangyarihan at mahawakan sa leeg si Isabelle at magawa ang lahat ng gustong gawin sa pamilya Se-verino lalo na sa kinamumuhian at kinaiingitang si Samuel. Pumayag naman kaya si Gov. Eduardo Hidalgo, sakaling hingin sa kanya ng anak na si Franco ang suporta sa balak na pagtakbo sa politika? Si Gonzalo na unti-unti nang nagbabago at may pakialam na sa pamilya ay may pag-asa pa kayang makalaya?

Subaybayan ang madugong buhay ni Isabelle sa piling ni Franco at ang pakikipagsapalaran nina Samuel at Mona sa Maynila. Hindi pa nga nagwawakas ang Ikaw Lamang dahil sa malaking tagumpay nito ay pinag-uusapan na kahit saan ang “Book 2” na sabi ay papasok ang character ni KC Concepcion. Mapapanood ang Ikaw Lamang gabi-gabi pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng Kapamilya network. It’s worth watching naman gyud!

AFTER NG CHA-CHA DABARKADS, RYZZA MAE NAG-RECORD NG BAGONG DANCE CRAZE

Pagkatapos ng kanyang nationwide hit na Cha-Cha Dabarkads with Jose Manalo and Wally Bayola, muling nag-record ng panibagong kanta si Aleng Maliit Ryzza Mae na handog niya siyempre sa lahat ng Dabarkads. Ipinarinig ni Ryzza kay Bossing Vic Sotto ang nasabing awitin at na-surprise si Bossing sa ganda nito at sabay sa-bing another hit na naman ang bagong kanta ng bagong child wonder. Malapit na itong marinig dahil ilulunsad na sa Eat Bulaga. Sino kaya ang makakasama ni Ryzza sa nasabing newest dance craze? Yes walang duda, panahon na talaga ngayon ni Ryzza na hindi lang napapanood sa dalawang daily show na Eat Bulaga at sariling programa na “The Ryzza Mae Show” sa GMA 7 kundi may filmfest entry rin with Bossing Vic na “My Big Bossing Adventures” para sa Metro Manila Film Festival 2014. Very in-demand rin ang batang alaga ni Ma’am Malou Choa-Fagar sa kaliwa’t kanan na endorsements.

Achiever gyud!

About hataw tabloid

Check Also

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Deniece Cornejo Cedric Lee Zimmer Raz

Deniece mas maayos ang kalagayan kompara kina Lee at Raz

SI Deniece Cornejo tahimik na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Mas maayos naman ang kalagayan …

Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *