Monday , December 23 2024

Huwag na huwag kayong bibili ng LG aircon

00 Bulabugin JSY

KUNG ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo, take it straight from the horse’s mouth … “huwag na huwag po kayong bibili ng LG Aircon.”

Nakaraang Mayo 25 (2014), bumili po ang inyong lingkod ng LG Air-conditioning unit, inverter 2.5 hp, split type sa halagang P50,000.

Mayo 28 nang ikabit ng authorized technician ng LG na ang bayad sa serbisyo ay P5,300.

Ang pangalan ng kompanya na accredited daw ng LG ay Mac Ref & Aircons SVCS na may opisina sa 1218 Antipolo St., Sampalaoc, Maynila. Sila lang daw ang pwedeng magkabit ng LG products at wala nang iba.

Heto na, Hunyo 19, wala pang isang buwan na naikakabit ang air-conditioning unit ‘e sira na ‘yung LG Aircon. Brand new po iyan.

Hunyo 23, dumating ang technician ng Mac, mayroon daw sirang piyesa sa loob.

SONABAGAN!

Brand new?! Sira agad ang piyesa sa loob?

Dahil naniniwala tayo sa kasabihang, “Customer is always right,” nag-demand ako na palitan ang unit pero hindi raw pwede. Ang pwede lang daw ay ipaayos.

Muling bumalik noong Hunyo 26. Medyo natagalan daw dahil inorder pa ang piyesa.

Anak ng tungaw talaga!

Nang ikinakabit na, mali raw pala ‘yung piyesa. Hindi raw pala ‘yun ang sira.

Kinabukasan Hunyo 27 bumalik na naman ang Mac technician.

Salamat sa Diyos at naayos rin.

Nagpapasalamat talaga tayo na naayos rin pagkatapos ng halos sampung (10) araw na nakitulog ako sa kwarto ng anak ko para makatulog nang komportable.

Pero ang tanong natin na hindi masagot-sagot ng LG ‘e bakit sira agad ang air-conditioning unit na binili sa kanila?

Wala ba silang garantiyang maibigay sa customer na walang diperensiya ang mga brand new appliances nila?!

Kung ayaw po ninyong maranasan ang sakit ng ulo na naranasan ng inyong lingkod, HUWAG na HUWAG po kayong bibili ng LG appliances lalo na ng air-conditioning unit!

‘Yun lang po!

MIAA AGM FOR ENGINEERING ‘DESMAYADO’ RAW SA NAIA T-1 REHABILITATION?

KUNG meron mang opisyal ng MIAA na ‘di nasisiyahan ngayon sa ongoing rehabilitation ng NAIA Terminal 1 ay walang iba daw kundi si MIAA Asst. General Manager for engineering Carlos Lozada.

‘Yan ang usap-usapan ngayon sa airport ng mga taga-MIAA Engineering.

Para sa kaalaman ng mga suking mambabasa ng Hataw, dalawang rehabilitation works ang nagaganap ngayon sa NAIA T1.

Ang inaayos na make-over or face lifting sa labas ng International Passenger Terminal ng NAIA 1 ay kinontrata ng construction firm na pinamumunuan ng kontrobersiyal na si Cedric Lee, habang ang rehabilitasyon sa loob ng airport ay proyekto ng Department of Transportation and Communication independent engineer, TCGI Engineers, Inc., na ang Contractor ay si D.M. Consunji, Inc., (DMCI).

Malakihan ang kontrata. Sa labas ay umaabot ng P150 milyones habang ang sa loob ay nasa P1-bilyon mahigit.

Tiyak na may kumita siyempre sa transaksyon na ito ‘di ba?

Pero kahit na gaano raw kalaki ang kontrata ay nananatiling malungkot pa rin si Engr. Lozada dahil sa impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang airport insiders na ‘WALA NAMAN BIDDING’ na naganap bago sinimulan ang proyekto?

Anak ng teteng! Na-eat bulaga pala sila?

Kaya naman ang desmayadong si Engr. Lozada raw ay nagmumuni-muni na after the reign of MIAA GM Jose Angel Honrado na umano’y mag-e-early retirement na raw?

Bakit naman?

Ang feedback na ipinarating sa atin, baka raw magkasabitan sa susunod na administrasyon at si Engr. Lozada ang maging ‘sacrificial lamb’ sa kabila ng katotohanan na wala raw naman siyang pinakinabang sa proyekto kahit na singkong duling?

Wheeeh! ‘Di nga?

Obserbasyong lang ng inyong lingkod, bakit magkaka-nervous breakdown si Engr. Lozada kung talagang “clean” at “innocent” ang magiting na enhinyero?

At kung talagang mangyayari ang kinatatakutan niya,k bakit hindi na lang siya mag-whistleblower para nang sa ganoon ay maging hero pa siya gaya ni Benhur Luy.

O ‘di ba?

Kaya lang kapag ‘di daw nanindigan si Engr. Lozada ay matutuwa sa galak niyan si Engr. Padi Medalla?

What the fact!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *