Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Polo Ravales, inspirado sa pelikulang Of Sinners and Saints

ni Nonie V. Nicasio

TODO-BIGAY si Polo Ravales sa kanyang performance sa latest project niyang pinamagatang Of Sinners and Saints na mula sa See Thru Pictures. Kontrabida si Polo sa pelikulang ito at aminado ang actor na ito ang tipo ng pelikulang gusto niyang gawin talaga. Sinabi ni Polo na ibinibigay niya ang lahat-lahat ng kanyang makakaya rito dahil sobra siyang nagandahan sa project.

“Malalim iyong pelikula e, so, lahat ng artist dito ay malalim iyong atake nila. Dito nagmumura ako, ganyan… first time na makikita kung paano ako magalit, nang totoong galit. Kasi, kapag taping ay hindi ka naman puwedeng magmura e.

So, naibuhos ko talaga (ang acting ko) sa karakter ko na sobrang masama.” Nasabi rin ni Polo na nang nabasa niya ang script nito ay na-challenge agad siya. “Nang nabsa ko ang script, na-challenge agad ako. Tapos na-excite ako kung paano ko gagawin ang mga eksena ko.

Kasi, malala e, malala yung mga eksena talaga. Grabe yung mga pagmumura ko rito e, grabe kapag nananalbahe na ako,” nakangiting saad pa niya. Dagdag pa niya, “Naniniwala ako na malaking maibibigay sa akin nitong project na ito as an actor. Sa totoo lang, nag-step ako talaga sa pelikulang ito.”

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan ng Italian-Filipino actor na si Ruben Maria Soriquez na siya ring producer at director nito. Ano ang masasabi niya kay Ruben? “Siya iyong pari rito, siya iyong takbuhan ng asawa ko sa problema.

Siya yung takbuhan ng asawa kong si Chanel, tapos magseselos ako. “He is very good, he is very nice, very professional.

Sobrang ganda, kasi artista rin siya, kaya alam niya ang feeling ng isang artista. “So, like, kapag sasasabihin ko sa kanya na kung puwede naming unahin ‘yung mga close-up para maibigay ko lahat, alam niya iyon.

Kasi kapag wide (shot) at ibinigay mo ang lahat, uubusin ka niyon e, ‘di ba? Kaya, very ano, very nice to work with him. “Kapag puyat ka na, pagod ka na, alam niya iyon.

Kaya hindi ka niya sasagarin.” Bukod kina Polo at Ruben, tampok din sa pelikulang Of Sinners and Saints sina Raymond Bagatsing, Chanel Latorre, Richard Quan, at Sue Prado.

MGA BATANG PASAWAY, TAMPOK SA WANSAPANATAYM

ISA sa child friendly show ng ABS CBN na nakatutuwa talagang panoorin every Sunday ay ang Wansapanataym.

Lagi kasing kapupulutan ng aral ang mga tampok na kuwento rito. Tulad sa episode sa Linggo na pinamagatang Witch-A-Makulit.

Dito ay ipakikita ang kahalagahan ng pagsunod sa mga magulang. Tampok dito sina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles.

Sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special, sa kabila ng utos ng kanilang Tatay Pinong (Benjie Paras) at Ate Jade (Inah), gagamitin pa rin ni Krystal (Miles) ang kanyang super powers para makuha ang pagtanggap ng mga taong inaakala niyang kaibigan. Matututunan na ba ni Krystal na sundin ang kanyang ama kapag nakasakit na siya ng ibang tao?

Ano ang gagawin ng magkakapatid na Jade, Krystal, at Emerald (Alyanna) kapag natunton sila ng ibang mangkukulam?

Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at sa direksyon ni Lino Cayetano.

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents: Witch-A-Makulit, this Sunday, 6:45 pm bago ang The Voice Kids.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …