Saturday , November 23 2024

Impluwensiya ni PNoy sa korte itinanggi (Sa hospital arrest kay JPE)

PERSONAL na opinyon lang ni Pangulong Benigno Aquino III ang pahayag na posibleng isailalim sa hospital arrest si Sen. Juan Ponce-Enrile at walang intensiyon na impluwensiyahan ang magiging desisyon ng Sandiganbayan

Ito ang sagot  kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa akusasyon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ang pahayag ng Pangulo hinggil kay Enrile ay paglabag sa tiwala at kompiyansa ng publiko, isang kasalanan na pwedeng maging dahilan ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

“Malinaw sa pahayag ng Pangulo na ipinapaubaya sa hukuman ang pasya na maaring i-detine si Senator Enrile. Ang sinabi lang niya ay isaalang-alang ang edad at kondisyon ng pangangatawan ng Senador. Hindi ito maaaring maituring na iniimpluwensya ng Pangulo ang sino man,” paliwanag ni Coloma.

Sinabi ni VACC founding chairman Dante Jimenez, natural na may epekto ang mga pahayag ng Pangulo dahil siya ang Pangulo ng bansa.

Magugunita na isinapubliko ni Pangulong Aquino ang kanyang saloobin na dapat may konsiderasyon kay Enrile na bukod sa 90-anyos na ay marami pang sakit.

Pagkaraan ay ipinakita ng Philippine National Police (PNP) ang kwarto sa Camp Crame General Hospital na posibleng paglagakan kay Enrile sakaling ipag-utos ng Sandiganbayan ang hospital arrest sa senador na akusado sa kasong plunder kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *