Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P150K ng doktor nakobra sa ATM hacking

NAGLAHO ang P150,000 savings ng isang doktor makaraan ma-withdraw mula sa kanyang Automated Teller Machine (ATM) card ng hindi nakikilalang “hacker” sa tatlong magkakahiwalay na petsa sa Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Rafael Chan, 41, ng 531 Asuncion St., Binondo, Maynila, inireklamo ang pagkawala ng kanyang pera sa ATM.

Aniya, nitong Hunyo 18, nabatid niyang nawala ang kanyang P150,000 ipon nang ipa-verify ang kanyang ATM sa Land Bank malapit sa SM Manila.

Nabatid ng biktima, naganap ang hindi awtorisadong withdrawals sa kanyang ATM noong Hunyo 3, 4, at 5 sa halagang P50,000 bawat withdrawal  na ginawa sa iba’t ibang ATM machines.

Mula sa dating P234,171.18 na laman ng kanyang ATM ay P84.171. na lamang ang natira.       (L. BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …