Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, inosenteng palaban sa hamon ng buhay

062614 Bianca Umali

ni Ronnie Carrasco III

PARANG close to real life ang role ng 14-anyos na si Bianca Umali sa aabangang sitcom ng GMA to premiere on June 22.

The articulate teener plays Yumi na itinuturing na parang anak ng Ismol couple na sina Jingo (Ryan Agoncillo) at Majay (Carla Abellana).

Seated at our table ng presscon ng naturang sitcom, medyo bantulot kaming usisain kay Bianca ang tungkol sa kanyang pamilya sa totoong buhay. But smart that she is, hindi ikinahihiyang aminin ni Bianca na isa siyang orphan, but not necessarily housed at an orphanage.

“My parents are deceased already,” simula ng batang aktres who’s now in Grade VIII sa kanyang pinapasukang paaralan. “Nakasama ko naman po sila while growing up but I was five when my dad (50) died of heart attack. Then sumunod po ‘yung mom ko years later, she died of breast cancer at the age of 44. Since then my grandmother on the father side has been taking care of me.”

Interestingly, nagsimula si Bianca sa edad na two years old via a string of commercials. At habang lumalaki ay nakaipon siya na siya naman niyang ipinangtutustos sa pag-aaral.

Magaan ang aura ni Bianca para sa amin.  Despite her girlish innocence, mukhang palaban siya sa hamon ng buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …