Monday , December 23 2024

Sanggol, utol ‘nalitson’ sa ceiling fan

062614_FRONT

NAMATAY ang isang sanggol na lalaki at 4-anyos niyang kuya nang matupok ang kanilang bahay dahil sa nag-overheat na ceilign fan sa Sibonga, Cebu kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Ezekiel Gab Sarnillo, 4-anyos, at Philip Hanz, isang taon gulang.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. nang maganap ang sunog sa bahay ng pamilya Sarnillo sa Brgy. Bato sa Sibonga, Cebu.

Ayon sa ina ng mga biktima na si Gemma, natutulog ang kanyang mga anak kaya’t naisipan niyang umigib at bumili ng mga kailangan nilang gamit habang ang kanyang asawang si Armando ay nasa trabaho bilang gwardya sa Cebu City at ang dalawa pang mga anak ay nasa paaralan.

Nagulat na lamang aniya siya nang pagbalik sa bahay ay nasusunog na ito at hindi na nailabas pa ang mga bata.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-overheat ang ceiling fan sa bahay ng mga biktima na naging sanhi ng sunog.

ni DANG GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *