Saturday , November 23 2024

Tuyo’t itlog inisnab nina Bong at Jinggoy

HINDI ginalaw nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla, Jr., ang inihain sa kanilang tuyo at itlog bilang almusal kahapon ng umaga.

Ayon sa dalawang senador, marami silang pagkain dahil ang bawat dumadalaw sa kanila ay may dalang pagkain.

Sa katunayan, binibigyan ng dalawang senador ng kanilang mga pagkain ang iba pang mga detainee sa loob ng Custodial Center.

Samantala, mabilis umanong naka-adjust bilang detainee si Estrada kompara sa kasama niyang si Revilla sa kanilang piitan sa PNP Custodial Center, ayon kay PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac.

Sinabi ni Sindac, mas naunang gumigising si Revilla kay Estrada dahil gabi na kung natutulog si Jinggoy. (HNT)

JINGGOY TAKOT SA IPIS

MADALING nakapag-adjust si Senador Jinggoy Estrada sa buhay-kulungan bagama’t takot sa ipis.

Pahayag ng kanyang abogado na si Atty. Alexis Abastillas-Suarez.

“On pests, he has a fear of cockroaches pero so far wala naman siyang reklamo about it, na nag fi-freak out. At least hindi namin alam,” aniya.

Agad din aniyang nakapag-adjust si Estrada sa kabila na mainit sa loob ng selda.

“It is really hot because the roof is low and the walls are really high. Masyadong kulob ‘yung detention nila,” dagdag ng abogado.

Sinabi ng abogado na nagbiro si Estrada na nais niyang gumawa ng loombands at nais niyang dalhin ang kanyang iPad sa selda upang makapaglaro ng games.

Magugunitang bago nakulong, sinabi ng senador na nais niyang magkaroon ng TV sa kulungan upang mabatid ang nangyayari sa labas.

‘AMAZING KAP’ TUMANGGING TAKOT SA IPIS AT DAGA

ITINANGGI ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., na nagreklamo siya kaugnay sa mga daga at ipis na nagkalat sa kanyang detention cell sa PNP Custodial Center.

Ayon sa senador, nakapiit kaugnay sa kasong plunder at graft, ang kanyang abogado na si Sal Panelo, ang nagbanggit kaugnay sa mga peste sa kulungan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Panelo, inilarawan lamang niya ang kondisyon ng selda.

Inihayag ng abogado na may nakita si Revilla na mga dagang sinlaki ng pusa sa kanyang selda.

Nang ipakulong noong 1972
TRATO NG MARCOS ADMIN KAY NINOY MAAYOS — PNOY

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na maaayos ang naging trato ng diktadurang Marcos kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., nang ipakulong makaraan ideklara ang batas militar noong 1972.

Sa isang media interview sa Japan kamakalawa, sinabi niya na kahit isinailalim sa solitary confinement ang kanyang ama ay may aircondition ang bilangguan, may sariling banyo at pwedeng lumabas ng isang oras kada araw.

Ang pahayag ng Pangulo ay bilang tugon sa batikos ng isang blogger hinggil sa sinasabing VIP treatment ng administrasyong Aquino kina Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada na nakakulong sa mala-condo unit na kwarto sa Camp Crame bunsod ng kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam, habang si Ninoy na akusado sa kasong rebelyon ay ipiniit sa bartolina.

”Teka, tandaan ko lang lahat, ano, ‘yung sa daddy. Kasi baka naman ngayon ay… And to be fair naman, may aircondition na at some point in time doon sa Fort Bonifacio. Of course, ‘yung one hour a day ka pwedeng lumabas ng kwarto. Solitary confinement, ‘di wala kang kaagaw sa banyo. May katre na ‘yung typical—sa Armed Forces siguro—‘yung manipis na kutson,” anang Pangulo.

“For somebody who is a very sociable being like my dad, ‘yung solitary confinement was really, shall we say, a mental torture,” kwento pa niya.

Sa kaso aniya nina Revilla at Estrada, ang hukuman ang nagtatakda kung saan sila dapat ikulong at ang sangay ng ehekutibo lang ang tagapagpatupad ng utos ng korte.

Dagdag niya, ipinatutupad ng kanyang administrasyon ang pagsasaayos ng detention facilities dahil siksikan ang mga bilangguan at para mapabilis ang pag-usad ng mga kaso.

Kaugnay nito, inihayag ng Pangulo na naniniwala siyang ikokonsidera ng Sandiganbayan ang edad at kalusugan ni Sen. Juan Ponce-Enrile sa pagpapasya kung ipakukulong sa kasong pandarambong kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *