Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20 minors inabuso Aussie arestado

DINAKIP ang isang Australian national dahil sa pang-aabuso sa 20 menor de edad sa isang resort sa Cordova, Cebu.

Kinilala ang 50-anyos suspek na si Peter James Robinson, isang mechanical engineer sa Australia.

Nabisto ang pang-aabuso ng suspek nang magsumbong sa Municipal Social Welfare Department ang isa sa mga biktima.

Sa salaysay ng biktima, pinasasayaw sila nang hubo’t hubad habang kinukunan ng litrato.

Dahil dito, agad sinalakay ang inuupahang dalawang kwarto ng suspek sa Cordova Home Village Resort at nailigtas ang mga biktima.

Nakompiska ang laptop na pinaghihinalaang naglalaman ng nude pictures ng mga biktima.

(BETH JULIAN)

Sa cyber-porn ops
NBI NAGPASAKLOLO SA INTERPOL

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na makikipag-ugnayan sila sa International Police Organization (Interpol)  para matunton ang mga Filipino na posibleng may kinalaman sa cyber-pornography operation sa bansa.

Bunsod ito ng pagkakaaresto sa limang Greek national habang nanonood ng Philipine cybersex show.

Sinabi ni Atty. Ronald Aguto, NBI Cybercrime Division chief,  hinihintay na lamang nila ang feedback mula sa mga awtoridad sa Greece hinggil sa mga detalye kaugnay sa live feed ng porno mula sa Filipinas.

Interesado ang NBI na makuha ang nasabing inpormasyon upang matutukan ang maaaring gawing aksyon para matunton ang mga responsable sa nasabing cyber-pornography operation.

Sa ngayon aniya ay wala pang impormasyong ibinibigay ang Greek police at patuloy pa itong hinihintay ng NBI.

Magugnitang limang Greek ang naaresto noong nakaraang linggo sa Greece habang nanonood nang live internet feed mula sa Filipinas.

Sinasabing laman ng video ang ginagawang panggahasa sa mga batang babae at ito ay sa Filipinas nangyari.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …