Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 12)

HINDI NAKONTENTO SI ‘POGI’ SA HUNTAHAN NIYAYA PA NIYANG MAGPALAMIG SI KIM

Ngiti uli siya bago niya binanggit ang pangalang “Kim.”

Sabi ko nga, hindi ako walanghiya pero wala sa akin ang hiya-hiya lalo na pagdating sa mga seksi at byuting bebotski na tulad ni Ms. Beautiful Girl. Palagi naman siyang sumasagot kapag kinakausap ko. Marami kaming napag-usapan na kung ano-ano lang. Nalaman ko na twenty two years old siya, taga-Cebu ang kanyang mga magulang pero sa Maynila siya lumaki. Pati lugar na inuuwian niya ay naitanong ko na. Taga-Bambang daw siya kaya sa Bambang Station ang baba niya.

Sa Tayuman Station ang talagang destinas-yon ko. Pero pagtayo ni Ms. Beautiful Girl sa pagkakaupo ay napabuntot ako sa kanya. Mistulang namagneto niya nang todo ang buong katauhan ng pagiging isang animal ko! Hakab na hakab kasi ang suot niyang mala-kremang maong jeans. Sa imahinasyon ko ay mas naging detalyado ang bilugan niyang mga hita pati na ang matatambok na umbok sa kanyang harap at likod. Sinundan ko siya sa paglabas ng Bambang LRT Station. Hindi agad siya nanaog sa hagdanan niyon. Tumigil siya sa tabi ng booth na bilihan ng magnetic card. Para bang hinihintay niyang lapitan ko siya. Doon ko siya inabutan na abalang-abala sa pagti-text. Pero alam kong naroroon ako sa sulok ng kanyang mga mata.

Dinukot ko sa bulsa ang aking CP. Pa-eklabu effect, nag-pretend ako na may itine-text din.

“Pauwi ka na, Kim?” bungad ko para mapansin niya.

Mala-icing ng cake sa tamis ang tugon na ngiti ni Ms. Beautiful Girl.

“Madali mo palang natandaan ang name ko, ha?” aniyang nagpipipindot pa rin sa key board ng hawak na CP.

Nagpa-cute muna ako sa pagganti ng ngiti sa kanya. Tapos, bumuwelo na ako ng diskarteng tira-pasok. “Sobra’ng init… Okey lang bang ma-invite kita na magpalamig-lamig…” ang boka ko sa kanya. Na nagpaarko sa kanyang dalawang kilay. At saka siya bumanat ng ganito: “FYI, magastos akong kasama…”

“Okey lang,” ang maagap kong sagot.

“Talaga lang, ha?” paniniyak niya na mayroon akong dudukutin sa wallet. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …