Saturday , November 23 2024

Criminal justice system ireporma

INAMIN ng Palasyo na kailangan pang ireporma ang criminal justice system sa bansa upang maging patas para sa lahat.

Pahayag ito ng Malacañang bilang tugon sa open letter ni John Silva, executive director ng Ortigas Foundation Library, na tumuligsa kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagbibigay ng VIP treatment kina Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada na sangkot sa P10-b pork barrel scam.

“We acknowledge that we continue to deal with a criminal justice system that needs to be overhauled and reformed in order to be truly fair and equitable,”ayon kay Communications Secretary Coloma Jr.

Sa kanyang liham sa Pangulo, binigyang-diin ni Silva na 10 beses na mas malaki at ‘di hamak na komportable ang bilangguan nina Revilla at Estrada, mga akusado sa pandarambong, kaysa dating Sen. NInoy Aquino na ipinakulong dahil sa pagtataguyod ng demokrasya sa bansa.

“Your dad didn’t go to jail for stealing. He was into more heady stuff like a return to democracy, human rights and moral convictions. So why the hell are you treating these senators with kid gloves, these guys who can’t seem to recall, account, or sign off on billions of missing pesos?” tanong ni Silva sa kanyang liham.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *