Saturday , November 23 2024

Trader timbog sa illegal firerms

ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng iba’t ibang uri ng baril at bala sa pagsalakay ng mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa kanyang bahay sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Onotan Tunday Barabadan, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinalakay ang bahay ng suspek dakong 7 a.m. kamakalawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamular ng Regional Trial Court, Branch 32.

Narekober sa bahay ng suspek ang dalawang military fragmentation hand granade (MK72); isang 5.56 caliber rifle at mga bala nito; 40 caliber pistol at 13 long magazine assembly nito; 3 short magazine assembly para sa caliber 5.56 2; bala ng 50 caliber; 16 bala ng 40 caliber; 2 magazine assembly ng caliber 45; 50 bala ng 45 caliber; 91 bala ng caliber 7.62; isang balisong; isang magazine assembly ng caliber  45; isang long magazine assembly para sa caliber 5.56, at dalawang lisensiyadong baril na nakapangalan sa suspek.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *