Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasasalamat show ni Daniel sa Tacloban, tuloy na tuloy na!

ni Dominic Rea

SA June 27, Biyernes ay lilipad naman ang buong Team DJP kasama ako para sa Daniel Padilla: Isang Pasasalamat Show sa Tacloban City sa tulong ng My Phone/Philippines at Sangkay Team ni Ate Rowena Laceras-Young na kaibigan namin sa Tacloban kasama ang buong Sangkay Team based doon.

Noong kasadsaran ng bagyong Yolanda ay ipinangako talaga ito ni Daniel sa mga Taclobanos. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na sa Tacloban ipinanganak si Carla Ford (Karla Estrada) at nag-aral din doon si Daniel during his elementary grades. Isang pasasalamat concert na pupunuin daw ni Daniel ng kantahan at saya ang gabing iyon.

Ayon kay Daniel, excited siya sa gagawing free concert dahil gusto niya itong gawin noon pa ngunit ngayon lang talaga nagkaroon ng pagkakataong maisingit sa kanyang schedule.

Kahit ang inang si Karla ay masayang ibinalita rin sa akin ang kanyang kagalakan. Personal po akong nagpapasalamat sa MyPhone, Star Magic, at Sangkay-Tacloban for making this free concert possible na gaganapin naman sa Leyte Sport Development Center (Grandstand) TaclobaN City.

More power Team DJP!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …