Wednesday , May 8 2024

Moon of Desire ni Meg Imperial pinag-uusapan sa social media/Yam Concepcion classy contravida sa Pure Love

ni Peter Ledesma

To the highest level na ang career sa Kapamilya network ng dalawang magagandang alaga ni Ms. Claire dela Fuente na sina Meg Imperial at Yam Concepcion. Yes after umapir sa Galema Anak Ni Zuma na ngayon ay napapanood sa kanyang top-rating afternoon teleserye na “Moon of Desire” ay gumagawa na talaga ng sarili niyang pangalan si Meg. Popular na siya sa mga netizens at parating pinag-uusapan social media ang kanilang nasabing teleserye kung saan magkaibang character ang ginagampanan ng sexy actress bilang si DJ “Lav” Angel na bukod sa kaseksihang taglay ay kaaya-aya ang boses kung saan naaakit nito ang kanyang mga listener na pinapayuhan niya tungkol sa pag-ibig at si Ayla Ricafrente na may medical condition na sakit sa balat na tinatawag na Hypertrichosis. Parehong mahusay na nagampanan ni Meg ang mga nasabing charater at lumitaw talaga ang husay nito sa pag-arte. Ngayon ay mas lalo pang nag-iinit ang kuwento ng Moon of Desire kung saan kahit pa nadiskubre ni Dr. Jefferson “Jeff” Bustamante(JC de Vera) ang totoong pagkatao ni DJ Love ay hindi nagbago ang pagtingin niya sa dalaga. Samantalang hindi pa rin tumitigil ang pang-aapi kay Ayla ng lolang si Madam Soledad Ricafrente(Carmi Martin) at nasa bingit ng kamatayan naman ngayon ang ina nito na nahulog sa kumunoy na si Mia Ricafrente na gina-gampanan naman ni Precious Lara-Quigaman. Huwag bibitiw hanggang katapusan ng hindi kayo mabitin sa Moon of Desire na napapanood Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN 2. At ngayong darating na July pagkatapos ng appearance nito sa nag-hit na Du-gong Buhay ni Ejay Falcon ay abangan naman ang isa pang talent ni Claire na si Yam Concepcion sa pinoy adaptation ng Pure Love na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Arjo Atayde kasama sina Yen Santos at Marco Joseph. Kung ‘yung iba ay binansagang Primera klaseng contrvida ay si Yam ay classy naman ang pagiging kontrabida sa Pure Love. At siya ang mang-aapi rito kay Alex at para sa kanya ay malaking challenge ang bagong role na gagampanan. Masaya pala si Yam dahil maliban sa maganda ang takbo ng kanyang career sa Kapamilya network ay malakas rin ang feedbacks sa kanyang ini-endorsong Colt 45. We heard na mas tumaas ang sales ng nasa-bing brand ng alak simula ng maging endorser nila si Yam. Good for her gyud!

SUPER SIREYNA NA ISABEL OLI NG PASIG KINORONAHAN BILANG “QUEEN OF THE PHILIPPINES”

Sa score na 95.80% ay si Super Sireyna Queen of the Skies, Trixie Maristela ang “Isabel Oli” ng Taguig City ang nakoronahan bilang “Queen of The Philippines” sa Grand finals ng SSW na ginanap last Saturday sa Eat Bulaga sa Broadway Studio. At pawang mga bigatin ang nagsilbing judges nu’ng araw na ‘yun na kinabibilangan ng Semeral Twins na sina David at Anthony, Solenn Huesaff, Mr. Colin Kerr ng Resort World Manila, Ms.Co-ry Quirino ang founder ng Miss World sa bansa at ang Male Maleficent na si Dabarkads Paolo Ballesteros. Para sa mga ito ay pumasa sa lahat ng criteria para sa beauty, talent at wit ang napili nilang winner na si Trixie. Ang galing sa pagkanta ang ipinamalas ng Isabel Oli ng Taguig sa talent portion at dito pa lang ay humanga na sa kanya ang mga nabanggit na judges sa itaas. Mahusay rin siya sa pagsagot ng tanong sa Q & A at higit sa lahat diyosang-diyosa ang ganda nito kaya naman lahat na lang ng qualities ng isang tunay na Beauty Queen ay na kay Ms. Maristela na. Tumataginting na 300 K plus brand new car na Chery ang naiuwi ng nahirang na Queen of The Philippines.

At para naman sa Dabarkads Choice Awards ay napunta ito kay Contestant # 4 Justine Valenciano ang “Sarah Lahbati” ng Baguio City. Umabot sa 3, 224 ang nag-like ng kanyang photos sa Facebook kung saan nagkamit siya ng 20,000 Cash. Pitong kapuwa Super Sireyna Worldwide grand finalists ang tinalo ni Trixie sa idinaos na grand finals.

About hataw tabloid

Check Also

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Deniece Cornejo Cedric Lee Zimmer Raz

Deniece mas maayos ang kalagayan kompara kina Lee at Raz

SI Deniece Cornejo tahimik na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Mas maayos naman ang kalagayan …

Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *