Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tropa, Mixers magtutuos Semis

MAGTUTUOS sa semifinals ang grand slam seeking San Mig Super Coffee Mixers at Talk ‘N Text Tropang Texters matapos nilang patalsikin ang mga nakalaban sa quarterfinals ng PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi.

Pinindot ng top seed Tropang Texters ang 99-84 panalo kontra No. 8 seed Barako Bull Energy Cola sa unang laro at pagkatapos ay hinigop ng defending champion Mixers ang second semis slot nang pauwiin nila ang San Miguel Beermen, 97-90.

Parehong naghabol ang TNT at San Mig subalit sa second half ay bumanat sila upang iayos ang kanilang pagkikita sa Final Four.

Abante ng siyam na puntos ang Energy Cola sa kalagitnaan ng third canto subalit hinabol ito ng Tropa para makuha ang lamang papasok ng fourth period, 65-73.

Umabot naman sa 15 puntos ang hinabol ng Mixers sa Beermen, 12-27 subalit umarangkada ang una sa payoff period para itakas ang panalo.

Bumira ng career-high 16 points sa 6-of-9 shooting sa 23 minutes lang ang rookie na si Justin Melton na hinugot ni coach Tim Cone upang humalili sa pagliban sa laro ni PJ Simon na masakit ang likod.

Umungos din si Mixers reigning Best Import Marcus Blakely ng 25 puntos, 18 rebounds at five blocks.

Dalawang oras bago ang laro ng San Mig ay nalaman ni Cone na hindi makakapaglaro ang kanyang pambatong point guard na si Simon.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …