Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyong Jasmine-Sam, matatag pa rin

James Ty III

KAHIT parehong busy sa magkaribal na network, patuloy ang pagiging sweet ng relasyong Jasmine Curtis at Sam Concepcion.

Nag-enjoy sina Jasmine at Sam sa panonood ng laro ng Barangay Ginebra at Talk n Text sa PBA noong Linggo sa Araneta Coliseum at kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawang young stars.

At kahit nagkaroon ng sigalot si Sam sa kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis noon ay hindi ito naging sagabal sa kanilang relasyon.

“Actually, Anne and I already sorted things out,” ayon kay Sam sa aming pakikipag-usap sa kanya. ”I think she’s for Jasmine’s happiness naman. Siyempre she does her part to stand up for her.”

Sa ngayon ay busy si Sam sa pagiging VJ ng MYX at ang kanyang paminsan-minsang pagiging regular ng ASAP 19 tuwing Linggo ng tanghali at Mira Bellasa ABS-CBN samantalang lumalaban pa rin sa rating ang show ni Jasmine na JasMine sa TV5 tuwing Linggo ng gabi, 9:15 p.m..

Nagpapasalamat si Jasmine sa mga nanonood ng kanyang drama show na tungkol sa isang aktres na palaging sinusundan ng stalker.

“Hindi kami umere last week dahil sa ‘Miss Teen Philippines’ pero tuloy-tuloy na ang show ko,” ani Jasmine. ”Siguradong mas magiging exciting ang mga susunod naming episodes.”

Idinagdag ni Jasmine na palaban pa rin ang kanyang show kahit  katapat ito ngPBB All In ng Dos at Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA-7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …