Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin del Rosario, deadma sa mga intriga!

ni Nonie V. Nicasio

HINDI pinapansin ni Martin del Rosario ang anumang intri-gang ibinabato sa kanya dahil mas gusto niyang tumutok sa kanyang showbiz career.

Pare-pareho naman daw kasi ang mga isyu sa kanya at wala namang bago. Ang mas inaalala lang daw ni Martin ay ang kanyang mga magulang. “Hindi ko alam kung paano sila nakakahanap ng katuwaan sa pananakit sa ibang tao, kasi po, hindi naman ako ganoon na mahilig mag-down ng ibang tao,” saad ng actor.

So, deadma ka na lang sa mga nang-iintriga sa iyo?

“Sa akin, para sa sarili ko, as much as possible ay hindi ko na pinalalaki iyan. Pero dahil naaapektuhan ang mga magulang ko e…

“Paniwalaan na nila iyong gusto nilang paniwalaan, pero sa akin lang, sana ay may respeto. Kung masaya kayo sa mga pinaniniwalaan ninyo, okay lang sa akin iyon. Pero sa akin lang, sana ay magbigay kayo ng respeto sa tao,” wika pa niya patungkol sa mga naninira sa kanya.

Ukol naman sa pelikulang Marka na pinagbibidahan niya, nagkuwento rin si Martin ng ilang detalye rito. “Isa po itong advocacy film tungkol sa bullying. Para ito sa mga estudyante, puwede rin sa mga magulang. Pero ang target po rito ay mga estudyante, kaya ipapalabas din ito sa mga eskuwelahan.

“I’m sure maraming makaka-relate rito, ‘di lang po ‘yung nabu-bully, pati rin po yung mga nambu-bully. Para makita nila yung effect ng bullying sa isang tao. Akala kasi ng iba na for entertainment lang, pero ‘di nila alam na ‘yung sinasabi at ginagawa nila ay nakakaapekto na sa pagkatao nang binu-bully, na may stigma na ito sa mga biktima.

“Sa movie, ako po si Billy, ako po yung binu-bully dito simula bata pa lang. Hanggang college, nasundan ako ng mga nangbu-bully talaga sa akin.

“Naging reason ito para masira yung love life ko, nasira yung pag-aaral ko, ‘yung goals ko sa buhay. Sa school, parang nawawalan na ako ng gana na pumasok e, pero may redemption naman po sa dulo,” saad pa niya.

Ang Marka ay mula sa direksiyon ni Neal Tan. Ito ay prodyus ng Jojo Matias Productions at kasama rin sa movie sina Isabelle de Leon, Teejay Marquez, Ken Anderson, Jao Mapa, Jay Franco, at iba pa.

LARA LISONDRA, MAINIT NA SINALUBONG SA SURIGAO CITY

MAINIT ang naging pagsalubong sa tinaguriang Riyadh Teenstar na si Lara Lisondra noong Mayo 11, 2014 ng mga kamag-anak at tagahanga niya sa Surigao City, ang hometown ng kanyang amang si Wilfredo Lisondra.

Paglabas nila sa Surigao Airport ay nakaabang na ang mga sumalubong sa kanya na hawak ang tarpaulin na nakasulat ang ‘Welcome Lara Lisondra.’ Mula airport ay tumuloy sila sa Barangay Lisondra na naghihintay ang mga kamag-anak at tagahanga niya.

Malugod siyang tinganggap ng Baragay Captain na si Bella Eludo kasama ang lahat ng mga opisyales na may inihandang masasarap na pagkain. Inanyayahan din siyang pumunta sa Mayor’s Office ng Surigao City, ngunit hindi ito napaunlakan dahil agad na tumulak ang lantsang kanilang sinakyan.

Kinabukasan, nag-island hopping sa Barrio ng Buenavista na may napakagandang kuweba roon at sa Barrio Zaragoza na dinarayo ng mga turista.

Tunay na nag-enjoy si Lara sa maiksi niyang pagdalaw sa Surigao dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya roon. May mga taga-ibang barangay din na dumayo pa sa kanilang lugar upang masilayan ang Riyadh Teenstar na ang tunay na pa-ngalan ay Lara Diza Lisondra.

Sa pag-alis ni Lara sa Surigao, baon niya ang magagandang alaala at mga salitang nagpapalakas ng kanyang loob upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na pasukin ang mundo ng showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …