Tuesday , November 5 2024

House arrest hirit ni Jinggoy

KUNG siya ang masusunod, mas nanaisin ni Senador Jinggoy Estrada na isailalim na lamang sa house arrest imbes makulong sa bagong selda na inihanda ng Philippine National Police (PNP) para sa mga akusado sa pork barrel scam.

Gayon man, aminado si Estrada na maliit lamang ang pag-asa na pagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang kanyang kahilingan para sa house arrest.

“Kahit saan, wala naman tayong karapatang magdikta kung saan ko gustong makulong. Siyempre kung ako masusunod, dito na lang sa bahay, house arrest. Pero mukhang imposible namang mangyari iyon,” pahayag ni Estrada.

Aniya, wala siyang plano na humiling ng hospital arrest.

(NIÑO ACLAN

Walang VIP, malinis lang
SELDA NG 3 PORK SENATORS HANDA NA — PNP

MAKARAAN maipakita sa media ang magandang custodial center sa loob ng Camp Crame na pagkukulungan sa mga akusado sa pork barrel fund scam, nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang VIP treatment na mangyayari kahit pa maituturing na mga high profile ang mga akusado.

Ayon kay PNP spokeperson, Chief Supt. Reuben Sindac, bukod sa isang higaan, electric fan at malinis na comfort room, wala nang iba pang maaaring gamiting gadgets tulad ng cellphone, laptop, TV, ref at iba pa ang mga ikukustodiya sa naturang pasilidad.

Iginiit din ni Sindac na temporary detention facilities lamang ito na ang ibig sabihin ay gagawin lamang ang pagkustodiya sa mga akusado upang matiyak na walang aberyang mangyayari habang dinirinig ang kaso.

Kung tutuusin, hindi aniya trabaho ng PNP na magdetine ng high profile inmates ngunit tumatalima lamang sila sa utos ng korte bilang parte ng security measures na ipinatutupad.

Inilinaw rin ni Sindac na ang naturang magandang pasilidad ay nataon lamang sa kanilang camp development plan at gagawin sana itong officer’s quarter, ngunit sa biglaang pangyayari ay ginawa na lamang detention cell.

Ang custodial center ng PNP ay mayroong apat na kwarto na kayang mag-accommodate ng dalawa katao bawat kwarto.

Nahahati rin sa iba’t ibang sektor ng mga detainee ang naturang area na ang iba ay kulungan ng mga druglord, miyembro ng Abu Sayyaf, at iba pa.

Sinasabing kung ikukulong ang ilang senador sa nasabing lugar gaya nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, ayon kay Sindac, malamang may iba pang makasama ang tatlo sa naturang pasilidad.

Bong handa na
TIPS SA BUHAY-HOYO HININGI KAY TRILLANES

INAMIN ni Senador Antonio Trillanes IV na kumunsulta na sa kanya si Senador Ramon Revilla, Jr., ukol sa buhay sa loob ng kulungan ng isang bilanggo.

Magugunitang si Trillanes ay minsan nang nakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center bunsod ng kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Trillanes, sinabi niya kay Revilla, sa simula ay kailangang mag-adjust dahil iba ang buhay sa loob ngunit sa kalaunan ay masasanay rin siya.

Payo ni Trillanes kay Revilla, madali lamang ang buhay sa loob ng kulungan, ang kailangan lamang ay i-enjoy ang iyong sarili.

Si Revilla ay nakulong na ngunit hindi sa totoong buhay kundi sa mga pelikula lamang na kanyang pinagbidahan noon.

Umaasa si Trillanes na tulad niya ay malalampasan din ni Revilla ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay bilang isang akusado.

Nanawagan din si Trillanes sa korte na igalang ang karapatan ng bawat akusado at sundin ang tamang proseso ng batas sa pagdinig ng kaso ng mga akusado sa pork barrel funds scam.

Samantala, inihayag Revilla na handa na siyang maaresto at makulong ano mang araw.

“Talagang ganun e, so nakahanda na rin ang kalooban natin diyan kung kelan nila tayo riyan ipapasok. So anytime, I’m ready… Sa akin, kahit saan nila gustong dalhin. Haharapin ko ang kasong ito,” pahayag ni Revilla.

Nagawa pang magbiro ni Revilla kaugnay sa inihandang detention cell ng PNP para sa mga akusado.

“Ayoko na tingnan kung saan ako makukulong dahil kapag nakulong ako, baka makabisado ko lahat ng corners niyan,” aniya.

(NIÑO ACLAN)

HDO VS JPE, BONG et al INILABAS NA

INILABAS na rin ang hold departure order (HDO) kahapon para kina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at iba pang mga akusado sa pork barrel fund scam.

Magugunitang kamakalawa ay unang inilabas ang HDO laban kay Sen. Jinggoy Estrada kasama sina Janet Lim-Napoles, Pauline Labayen, Mario Relampagos, Rosario Nunez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Maria Julie Villaralvo-Johnson, Victor Roman Cacal, Maria Niñez Guanizo, Romulo Relevo, at John Raymund De Asis.  Habang sa ikalawang HDO ay kasama ni Sen. Revilla sina Richard Cambe, Mario Relampagos, Marilou Bare, Rosario Nunez, Lalaine Paule, Dennis Cunanan, Antonio Ortiz, Francisco Figura, Marivic Jover, Rosalinda Lacsamana, John Raymond de Asis, at Ronald John Lim. At sa ikatlong HDO ay kasama ni Sen. Enrile sina Jessica Lucila “Gigi” Reyes, James Christopher Napoles at Jo Christine Napoles.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *