Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bad feng shui sa labas ng bahay

PAANO malalaman kung may good o bad feng shui chi sa labas ng bahay?

Alamin ang kalidad ng feng shui energy sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid. Ang kapaligiran ba sa labas ay malinis at naaalagaan? Mayroon ba pang ibang dapat gawin upang mapagbuti ang feng shui sa labas ng inyong bahay?

Maaari bang i-repaint ang front door, gumawa ng landscaping, alisin ang mga harang sa daan patungo sa front door?

Maaari rin pakiramdaman ang feng shui energy sa paligid ng bahay, at alamin ang mga dahilan ng pagkakabuo ng specific feng shui feeling.

Ramdam mo ba ang masayang pagsalubong sa iyong pagdating sa bahay? Ikaw ba ay nangangamba, nag-aalala? Pagtuunan ng pansin ang mga pakiramdam na ito, dahil ganito kung makipag-usap ang feng shui energy.

Mag-focus sa paglikha ng iba’t ibang kalidad ng enerhiya, kalidad ng fengshui energy na iyong hangad na maramdaman sa iyong bahay.

Sa punto ng Sha Chi at Si Chi, tingnan kung may attacking energy na nakadirekta sa iyong bahay, o may low energy na nananatili sa paligid ng bahay.

Mayroon bang sharp structure na nakaturo sa iyong front door o sa alin man sa mga bintana? Ito ang halimbawa ng Sha Chi.

Mayroon bang garbage bins malapit sa pintuan o bintana? May luma o sirang gusali malapit sa iyong bahay? Ito ang halibmawa ng Si Chi.

Kapag natukoy na ang kalidad ng feng shui energy sa labas ng iyong bahay, maaari nang tumingin sa maraming feng shui tips na makatutulong sa iyo.

Ang classical feng shui schools ay magrerekomenda ng feng shui bagua mirror bilang pangunahing remedyo sa outside Sha o Si Chi.

Gayunman, maaari mong gamitin ang iyong pagiging malikhain at disenyo sa pagbuo ng kaparehong protective energy ngunit sa higit na moderno at visually appropriate way para sa istilo ng iyong bahay.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …