Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

May milagro pa bang gagawin ang Heat?

NAKALUBLOB na sa kumunoy ang Miami Heat.  Tanging ilong na lang ang nakalabas na humihinga.

At mukhang isang himala na lang ang hinihintay ng Heat para makaahon kontra sa San Antonio Spurs sa pagpapatuloy ng Game 5 ng NBA Finals ngayong Lunes.

Lamang sa serye ang Spurs, 3-1.  At isang panalo na lang, aangkinin na nila ang kampeonato.

At para hindi mangyari iyon—kailangang manalo ng tatlong sunod ang Heat para muling manakaw ang kampeonato sa Spurs tulad ng nangyari noong nakaraang season.

Pero gaya nang sinabi natin, kailangan nilang manalo ng tatlong sunod na panalo para muling magmilagro.

Tingin natin—very remote na mangyari ang milagro dahil matindi ang inilalaro ng mga manlalaro ng Spurs na sina Kahwi Leonard, Tim Duncan at Tony Parker.

Ang matindi pa, yung dalawang laro na inilaro sa teritoryo ng Heat ay ninakaw ng Spurs.

At hindi lang basta ninakaw—sinisiw  pa ng Spurs ang  nagmistulang mga amateur players na sina Lebron James at Dwayne Wade.

Sabi nga ng mga eksperto sa basketball, nakarekta na ang Spurs para kunin ang Game 5 at ang kampeonato ng NBA. Lalo na’t ilalaro ang nasabing laro sa teritoryo ng San Antonio.

Tanong ng mga fans ng Miami, bakit nga ba parang walang kakuwenta-kuwenta ang inilaro ng Heat pagkatapos na maisahan nila ang Spurs sa Game 2 na inilaro pa naman sa bahay ng San Antonio?

Nakakapagtaka nga dahil sa naging panalo ng Heat sa Game 2 ay inaakala ng karamihan ng kritiko na  dodominahin na  ng Miami sa pagkakataong ito ang Spurs.

Pero bigla ngang nabaligtad ang ekspektasyon.

Tiyak na may malaking problemang kinakaharap ang Heat bilang team.   Iyon ang pananaw ng karamihan ng miron.   Pero sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Miami kung ano iyon.

Ang maririnig mo lang at mababasa sa mga write-ups sa  internet ay pawang mga espekulasyon.

Sa ngayon ay umaasa pa rin ang fans ng Heat na makakabuwelta ito at gagawa ng imposibleng milagro.   Ikanga nila, hindi pa opisyal na tapos ang serye.

At matindi ang paniniwala nila na mananatiling BILOG ANG BOLA.

Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …