Thursday , August 14 2025

3 rider lasog sa van

BASAG ang bungo at bali ang katawan ng magkapatid nang mabangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na van habang sugatan ang isa pa sa barangay Lalo, Tayabas, Quezon, kamakalawa.

Magka-angkas sa boxer motorbike na walang plaka ang mga biktimang sina Bienvenido, 42, at Benny Quingking, 34, kapwa ng Gumamela St., Roxas District, Quezon City, nang mawalan nang control at sumalpok sa kasalubong na Nissan Urvan van na may plakang WOJ-115 at minamaneho ni Roberto Salamat , ng Lopez, Quezon.

Tumilapon ang magkapatid at nabagok ang ulo na kanilang agad na ikinamatay habang sugatan naman ang driver ng van na ngayon ay nasa Tayabas Community hospital.

Samantala, patay ang isang lalaki at sugatan ang apat nang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City.

Naputulan pa ng paa at namatay ang biktimang si Jerwin Victoria Camahulan.

Mabilis ang takbo ng Honda CRV na may plakang KTV-761 na sumalpok sa motorsiklo ni Camahulan kaya napuruhan siya.

Kasunod nabangga ng CRV ang motorsiklo ni Reyno Angelo Rosario, 25, ng Barangay Nazareth at nasugatan.

Sugatan din ang driver ng CRV na si Imee Dabuet at ang kasama niyang si Erika Salcedo ng Barangay Kauswagan.

Sinabing nasa impluwensiya ng alak si Dabuet.

(RAFFY SARNATE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *